┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nanginginig ang kamay ni Hugo na kumuha ng tig-iisang papel sa tatlong malalaking garapon at pagkatapos ay ipinikit ang kaniyang mga mata. Nanulis ang nguso nito at makikitang bumubuga ito ng hangin na tila ba pinapagaan ang kanyang damdamin. Lahat naman ay tahimik at hindi nagsasalita at hinihintay na basahin ni Hugo ang tatlong papel. Dahan-dahang binuklat ni Hugo isa-isa ang papel upang basahin ang nakasulat dito na tila ba pigil ang hininga, pagkatapos ay napapikit na tila ba gusto ng umiyak at napatingin kay Isaac kaya mabilis na sumigaw si Isaac. "Fuuck no! Fuckiiing no!" sigaw ni Isaac habang ang mga kaibigan nito ay malakas ng nagtatawanan. "Babe, basahin mo na. Excited na akong malaman kung ano ang gagawin mo at kung sino ang kapareha mo," pang-aasar ni Joyce sa

