┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ito ang unang gabi nila sa resort. Magkakasama sila sa harapan ng dagat at nakapalibot sa bonfire. Nag-iinuman silang lahat habang ang mga kasama nilang mga kababaihan ay masayang nagluluto ng bbq. "May sorpresa akong palaro bukas ng gabi," wika ni Althea kaya ang lahat ay napalingon sa kanya. Maging si Marcus ay nagulat sa sinabi ng kanyang asawa. "May sorpresang palaro ka bukas? Bakit hindi ko yata alam 'yan?" gulat na ani ni Marcus sa kanyang asawa. "Sorpresa nga hindi ba? May sorpresa ba na sinabi? Kasali ka sa palaro ko bukas kaya huwag kang magrereklamo, ang hindi susunod sa mga gusto ko bukas ay may naghihintay na parusa sa inyong lahat. Malalaman ninyo 'yan bukas ng gabi kaya maghanda kayong mga kalalakihan dahil mapapasabak kayong lahat sa amin," wika ni Althea k

