┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maaga pa lamang ay sakay na sila Josh ng helicopter patungong Pangasinan. Kasama niya si Celestina gamit ang helicopter ng pamilyang Morin. Masayang-masaya si Josh at Celestina. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sila sa isang resort na hindi magkagalit o magkaaway. Isang oras lang ang lumipas at isa-isa ng naglalapagan ang mga helicopter sa resort upang ibaba ang mga sakay nito. Inalalayan ni Josh ang kanyang kasintahan at inutusan na ang piloto na umalis na at balikan na lamang sila after three days. Two days lang ang usapan nila pero napagkasunduan nila magtatlong araw na sila upang ma-enjoy at masulit nila ang kanilang bakasyon. Bukas pa ang araw ng kaarawan ng kambal na si Hugo at si Harvey, pero ngayon pa lang ay nagpuntahan na silang lahat upang ma

