❀⊱Celestina's POV⊰❀ Nakakatuwa naman dahil nawala ang takot ni ate sa palaka. Well, takot pa rin naman siya, pero hindi na katulad dati na sobrang takot. Hinihimatay talaga siya katulad ng nangyari kahapon. Pero sabi niya ay kaya na niyang makakita ng palakang tumatalon, huwag lang siyang lalapitan. Nandito pa rin kami sa hacienda ni Kuya Marcus at mamayang gabi pa kami babalik ng Manila. Kasama ko si Sandy ngayon at nandito kami malapit sa batis. Ang ganda ng lugar na ito, sobrang linaw ng tubig at napakapayapa ng kapaligiran. "Hey, you want?" ani ni Ate Janine sa amin. Inaalok niya kami ng chocolates. Ngayong buntis ako ay hindi ako nahihilig sa chocolates kaya tumanggi ako. Si Sandy naman ay hindi kumibo kaya tinabihan siya ni Ate Janine. "Kuhanin mo na 'to, para sayo talaga 'yan,"

