Chapter 3
Tumahimik ang buong silid. Walang may gustong magsalita ni ipagpatuloy muli ang kanilang pagkain. Lahat ng mga tao ay seryosong nakatingin sa amin…
Sa akin.
“Tapos na palabas! Wala ng second part!” Napatingin ako sa babaeng kulay pula ang buhok. Isa siguro sa sinasabi nilang Metantei Class. Pansin ko rin sa kanyang pagsasalita at sa kanyang pagkilos na isa siyang makulit at energetic na babae.. Ramdam ko.
“Sabing tapos na, ang kulit!” Napakamot sa ulo ang babaeng kulay pula ang buhok. Nagsibalik naman sa mga kanya-kanyang ginagawa ang mga estudyante samantalang kaming tatlo ay gulat na gulat pa rin sa nangyayari.
Pati ako.
Napatingin ako sa gawi nila Aki at Nagi na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin sa biglaang paglapit sa akin ni… uhh, basta! Wala rin akong pakialam! Napatingin din ako sa mga taga Metantei Class. Tinitingnan pa rin nila ako hanggang ngayon na para bang isa akong alien.
Umiling ang iba at napagpasyahang umupo sa isang lamesa na nakakagulat ‘daw’. Syempre hindi ko pa sila kilala at unang araw ko ito. First time daw kasi nilang pumunta sa cafeteria. Anong pumasok sa kokote ng mga ‘yun at dito kumain? Nakakapagtaka.
“Um, tingin ko kailangan kong lumabas. Thank you for the food.” I bowed before waving kina Aki at Nagi. Nagkatinginan ang dalawa at tinanguan lamang ako. Hindi ko kakayaning manatili sa loob ng cafeteria na ito kung saan daang mata ang nakatingin sa akin. Hindi rin ako sanay.
“Sure. Magpalamig ka muna.” I get it. Ang ibig sabihin ni Aki doon ay maraming maiinit na mata ang nakatingin sa akin siguro dahil sa inggit. Napansin ako ng dalawang taga-Metantei.
Paanong nakakainggit yon? Muntikan na akong mamatay sa unang araw ko rito.
Dahan-dahan akong lumabas ng cafeteria at sumalubong sa akin ang napakaraming daanan. Nakakalito at nakakahilo. Lumakad ako nang lumakad ngunit wala din akong napala. Pader lamang ang aking nakita. Tumalikod muli ako habang tinitingnan ang mga imahe na nakapaskil sa pader. Drawing lamang ang mga imahe na ito ngunit napakaganda.
“Ang ganda.” mahinang saad ko. Habang nakatingin sa itaas, hindi ko namalayang may batong nakaharang kaya naman ayun, plakda.
“Ay litsi,” bulong ko sa sarili. Umiiral ang pagka ano. Hays. Tatayo na sana ako nang may isang lalaking inilahad ang kamay at balak akong tulungan.
“Need help?” Napataas bigla ang kilay ko. Ano daw? Help? Nakakain ba ‘yun? Sus. Kahit kailan ay hindi ko kailangan ng tulong ng ibang tao upang umahon.
“No thanks.” Tumayo ako at pinagpag ang uniporme ngunit hindi ko napansing naapakan ko pala ang palda ko pagkatayo kaya nama’y nadapa akong muli.
Ang swerte ko talaga, ano? Just please note the sarcasm there.
Hinawakan niya bigla ang braso ko at dahan-dahang itinayo. Hinihintay ko ‘yung spark na sinasabi ng ilan pero wala. Anak ng pating. Louise, ano bang pinag-iisip mo?
“Hey, I’m Shimozu. M Class. Ang sungit mo naman. ” Napataas na talaga ng bonggang bongga ang kilay ko. Inilahad niya ang kanyang kanang kamay na hindi ko alam kung bakit.
“Uh, okay.” Ika ko at tinitigang mabuti ang kamay nito. Aanhin ko ‘to? Minsan hindi ko mapigilang maweirdan sa kanya.
“Hahahahaha,” Okay. Natawa siya. Anong nakakatawa sa okay ko? Seriously? May dumi ba ako sa mukha? And why the hell is he laughing?
“Wala kang dumi sa mukha.”
“Tinatanon- ay walanjo!” Napatalon ako sa gulat nang humangin at nagulat na lang ako nang nasa likod ko na pala si uhh. Shimo?
“Hindi mo naman tinatanong, pero friends na tayo ah?” Ngumiti siya ng napakalawak. Okay, so creepy. Ang lakas din maka FC nitong si kuya eh. Close tayo?
“Edi close na tayo ngayon!” Ngumiti pa siya ng malawak na malawak. Ano sunod bespren? Ano ‘to? Real quick? Close agad? Close-
“What?”
“Anong what?” Natatawang tanong nito. Wait.
“Hindi ko naman sinabi ‘yun ah. Atsaka hindi kita magiging friend! Hindi mo alam pangalan ko! So, how come.. Shimo?” Dire-diretso kong sabi. Ay luh Shimo? Close ba kami?
“Hahahahaha. Nice nickname ah. I like it. Anyway, I need to go now due to some errands.I need to go… Louise.” Kumindat pa siya sa akin bago umalis.
“Louise!” Napakurap ako at nakita ko sina Aki at Nagi na tumatakbo sa gawi ko. Tumingin muli ako sa aking likod upang tingnan kung nandoon pa ba ang lalaking nakasalubong ko, pero parang wala na yata.
“Hey.”
“Tapos ka na ba kumain? Naku, umalis ka pa kasi. Ayaw mo namang um-absent sa first mo ‘diba?” Napaisip ako, first day? Oo nga pala.
“Oo, salamat. Tara na.”
Naglakad kami papuntang classroom nang wala ni isang nagsasalita sa amin. Napakatahimik naming naglakad at sariwang-sariwa pa rin ang nangyari kanina. Sanay na rin naman akong maingay ang nadatnan ko, pero hindi ako sanay na biglang tumahimik at lahat ng mga mata nila ay nasa akin.
‘Witch.’
Rinig kong bulong ng isang babaeng nakasalamin at masama ang tingin sa akin. Sa unang tingin ay akala mong mabait at napakahinhin, pero mali.
“Tara, Louise?” Tumango ako kay Nagi at umupo nalang kami sa dulo. Siguro ay narinig niya rin ang bulong ng babae. Yumuko na lang ako at tumingin sa bintana, bakit ko nga ba pinangarap maging sikat?
Naputol ang aking pagtingin sa kawalan nang may isang gurong pumasok sa silid. Base sa mukha nito, talagang istrikto siya at walang kinatatakutan.
“Good day, Class.”
“Good day, Magistra,” Pumalakpak ng tatlong beses ang mga estudyante habang nakaupo. Tiningnan ko si Nagi na nasa tabi ko upang malaman kung anong ginawa nila.
“Pagbati,” bulong nito sa akin. Naweirdo-han ako sa kanila, kailangan pa banag pumalakpak para bumati? Hindi ba pwedeng tumayo nalang?
Tumango ako bilang tugon na naintindihan ko ang ibig nitong ipahiwatig at bumalik sa pagtingin sa bintana. Ngunit hindi pa rin pala talaga ako makakaligtas sa First day of school, introduce yourself.
“Mayroon pala tayong bagong estudyante dito,” lumakad siya palapit sa aking habang hawak ang mahabang stick. “Can you please introduce yourself, miss?” Ngumiti siya sa akin ngunit para bang isa itong sarkastikong ngiti. Tumingin ako sa dalawa at tumango sila, sinasabing tumayo ako at magpakilala. At iyon nga ang ginawa ko, dahan-dahan akong tumayo at narinig ko ang mga bulungan nila.
“A famewhore,” oo nga pala. Isa akong babaeng gustong mapansin ng iba. Nagbingi-bingihan na lang ako at hindi ko na lang sila pinansin, pinagpatuloy na ipakilala ang sarili.
“Good day, Magistra. I’m Louise,” tumigil ako at para bang mayroon silang hinihintay na sabihin ko. “Thank you.”
“Miss Louise,” mayroong isang babae, iyon nga ang nakasalamin kanina na masama ang tingin sa akin ang tumayo at hinarap ako.
“May we know what your ability is?”
“Margaux is a so cool,” rinig kong bulong ng isang lalaking nasa harapan ko. Oh, Margaux pala ang pangalan niya?
But shoot, anong sasabihin ko? Ni hindi nga ako taga dito? Hindi ko alam kung anong sasabihin kong abilidad dahil una pa lang ay wala naman talaga. Tumingin ako kina Nagi at Aki upang humingi ng tulong, tatayo na sana sila nang unahan ito ng guro namin.
“I didn’t ask what her ability is, Margaux. Why are you asking? Ipagyayabang mo ba ang ability mo eh isa ka lang namang hamak na Z class?”
At doon nagtatapos ang mainit na tinginan naming ni Margaux. Padabog siyang lumabas ng silid at tinarayan ang guro namin. Wala namang pakialam itong si Magistra sa inasta niya.
“Good day, Louise. I’m Myra, your magistra.” Tumango ako at bumalik sa pagkakaupo. Matutulog na lang sana ako ngunit nagkaroon ako ng interes sa discussion ni Magistra.
“…..Guardians and protectors. Are they really the same? Mister, what do you think?” Itinuro ni Magistra ang isang lalaking natutulog at laking gulat ko nang bigla itong tumayo at sinagot ang tanong.
“No, Magistra. A guardian is a someone who guards or watches over a person. While a protector is the one who protects someone,” pumalakpak ang Magistra sa sagot nito at balik naman ito sa pagtulog.
“You are correct, Mister. Lahat tayo ay may sari-sariling Guardians, hindi pa man natin sila kilala ngayon, darating din ang araw na magpapakilala sila sa atin. How about the protectors? Ilan lamang kaya sa silid na ito ang mayroon nito?”
Tumahimik ang buong silid kaya naman napagdesisyunan ko na lang na hindi makinig sa klase. Lumipas ang tatlong oras at sa wakas! Natapos na ang unang araw ko!
“Class dismissed,” nag-unahan ang mga kaklase kong makalabas kaya napailing ako sa kanila. Hindi naman kami nagmadali lumabas at nag-usap pa kaming tatlo.
“Weird, bakit ang bait ni Magistra Myra ngayon?”
“May bagong estudyante, of course. Kailangan pa good shot muna siya kay Louise,” Natawa ang pareho sa pag-uusap nila habang ako pailing iling lang. Inayos ko muna ang gamit ko at pinasok ito sa loob ng sling bag.
“Talaga? Hindi pa siya mabait ‘nun?” Tanong ko habang palabas kami ng silid.
“Yep. Naku, umuusok kaya ilong ‘nun.” Natawa kaming tatlo. Kung marinig lamang ito ni Magistra, tiyak ay napagalitan na kami.
“Maiba tayo, how’s your first day?” Tanong ni Aki saktong nasa pinto na kami ng sarili naming silid.
“Okay lang, masaya.” Ngumiti pa ako upang mapaniwala silang masaya ako pero hindi naman ako nagwagi. To be honest, it was really tiring. Hindi ko pa rin matanggap na nasa ibang mundo ako.
“Kaya natin ‘yan, Louise. Walang sukuan ha?” Tumango ako at niyakap ang dalawa. Nagpapasalamat na nakilala ko sila.
“Ugh, nasaan ba kasi ‘yun?” Lumabas muna ako ng kwarto upang hanapin ang kwintas na napulot ko kanina. Naku, siguro kung ibenta ko ‘yun sa Earth, mayaman na siguro ako.
“Sayang ‘yung kwintas, I really need it.”
“I think, ito yata ang hinahanap mo.” Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa tinatawag nilang Metantei Class. Napangiti ako dahil siya ang nakapulot nito at hindi ko na kailangang maghanap, mabait pa man din.
“Ah oo, salamat,” Lumapit ako sa kanya at kukunin na sana ang kwintas ng iiwas niya bigla ang kamay nitong may hawak na kwintas.
“Oops, I can’t give it to you for free.” Tumaas bigla ang kilay niya at ngumiti ng malawak. Tumango ako at sinubukang kunin muli ito ngunit ayaw niyang ibigay sa akin. Hanggang dito ba naman, talamak pa rin ang bullying?
Bakit? Because they feel that they’re superior?
Trash.
“Ano ba, akin nga kasi ‘yan!”
“Wow, where’s your respect, miss transferee? Hindi mo ba kilala kung sino ang nasa harapan mo?” Tinanggal niya ang panali niyang laso sa kanyang buhok at hinagis ito papunta sa akin at awtomatiko itong umikot sa katawan ko hanggang sa bumalot ito sa buo kong katawan.
“Stop! Ano ba!” Pilit kong tinatanggal ang laso na nakatali sa leeg ko ngunit mas lalo itong humigpit na naging dahilan upang makapos ako ng hininga.
“Do you think na mapapansin ka na ni Saito dahil sa pang ganyan mo?”
“Can you please.. stop,”
“Naomi,” pilit kong idinilat ang aking mga mata kahit nanlalabo na talaga ito. Nakita ko ang lalaking muntik akong patayin kanina na nakahawak sa balikat ng babaeng may hawak ng kwintas ko.
“No, Saito. She should face the consequences!”
“I don’t want to see your a*s here in the count of five,”
“….and oh, give the necklace to me please.” Tumingin ng masama sa akin ang babae at tumakbo bigla kasabay nang pagluwag ng laso sa katawan ko ngunit hindi ko ito nakayanan kaya bumagsak ako sa sahig.
“I’m sorry,” lumuhod siya upang maabot ako at inilagay ang kwintas ko sa aking leeg ngunit mahina ko siyang tinulak.
“Can you please… stay away from me?” mahinang saad ko sa kanya bago ko pinilit na tumayo at tumakbo palayo sa kanya.
***