CHAPTER 4

2220 Words
Chapter 4 "Louise!" Napatigil ako sa pagtakbo nang mayroong taong humarang sa aking daanan. Tiningnan ko ito at napagtanto kong isa itong lalaki, ang lalaking 'feeling close' sa eskwelahan. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking tagiliran at tiningnan ng masama ang lalaking nanira ng drama ko. "Ano na naman bang problema mo? Wala ka na naman bang mapagtripan kaya ako ang ginugulo mo?” Tanong ko sa kanya habang dinadama ang init ng araw sa gitna ng ground. Talaga nga naman oh, sa gitna pa talaga kung saan napakainit at iilan lang na mga estudyante ang tumatambay. "Chill ka lang, miss. Wala akong ginagawang masama," tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang kaliwang kamay habang siya ay tumatawa. Ang kanang kamay nito ay nasa tagiliran naman. Napairap ako sa kawalan at naramdamang basa pala ang pisngi ko dahil sa luhang tumulo. Ni hindi ko man lang namalayang tumulo bigla ang luha ko. "Wait, let me wipe your tears." Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at inilapit sa kanya. Dahan-dahan naman niyang pinunasan ang luha ko sa pamamagitan ng isang kamay nito habang ang isa ay nasa balikat ko pa rin. Hindi ako makagalaw ni makapagsalita sa ginawa nito. Isang beses palang ako nakaranas na may taong pupunas sa sarili kong luha. At sa hindi ko pa kilalang tao. "Wait, move backward. You’re too close,” bahagya ko siyang tinulak dahil napakalapit talaga nito sa akin at hindi ako sanay 'dun. Si kuya pa lang ang lalaking malapit sa akin kaya hindi ako sanay sa mga lalaki. At sumagi sa isipan ko ang imahe tungkol sa nangyari doon sa gubat. Shit.  "Huh?" Napailing ako nang magsalita ang lalaking nasa harap ko, teka- ano nga ulit ang pangalan nito? "Anong 'huh'?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya at tinitigan pa ako. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil sa mata niya. "Ako si Shimozu," napakunot ang noo ko sa sagot niya. Teka, anong koneksyon ng pangalan niya sa tanong ko? Ang g**o lang? "Mister Shimozu, as far as I remember, I didn’t ask for your name so back off,” Ipinagkrus ko ang dalawa kong braso at tumingin sa mga estudyanteng nagbabasa sa kanan ko upang hindi siya matingnan ngunit pinagtawanan lang ako nito. Nagjoke ba ako? Pero mas lalo pang lumakas ang tawa niya. "Tinanong mo kaya," pilit kong inalala ang walang kwenta naming usapan kanina, wala naman akong tinanong sa kanya kung anong pangalan niya ngunit- Tinanong ko sa sarili ko 'yun diba? "Ha-ha. Gag show 'to promise. Wow Mali na 'yan. Sigaw na ng 'Wow Mali'! Sasakay pa ako," Inilagay ko ang mga natirang buhok ko sa mukha sa likod ng tainga ko sa sobrang kaba. Kinamot niya ang likod ng batok niya habang natatawa pa ng kaunti. Naramdaman ko ring tumutulo na ang pawis ko sa mukha kaya pinunasan ko ito. Bakit kasi nasa gitna pa kami ng initan? "Sorry na, gilid na lang tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at sumilong sa isang puno na ikinagulat ko. Nagsimula na akong maguluhan. Anong nangyayari? Napalingon ako sa mga estudyanteng nandito rin, malayo-layo naman sila sa amin at sapat na iyon upang hindi marinig ang pinag-uusapan namin. "Nakakatakot ka, alam mo 'yun?" "Alam ko," balewala niyang sagot at pinagmasdan ang mangga na nasa puno pa pero malapit na ring bumigay at mahulog. Kinamot ko ang ulo ko habang pinagmamasdan siyang nagmumukhang bata sa pagtingala niya. "Umayos ka nga! Hindi ka na nakakatuwa!" Hinampas ko siya gamit ang kamay ko kaya napaaray siya pero tumawa lang din sa akin. Walang hiya aba, pinalo ko pa nang paulit-ulit hanggang sa inawat niya ako at dinepensahan na ang sarili. "Haha sorry na. Ability ko kasi 'yun." "What?!" Napasigaw ako na naging sanhi para makuha rin ang atensyon ng ibang estudyante pero nawala din naman iyon kaagad. "Anong sabi mo?" Pabulong kong tanong. "Telepathy," Kusang bumuka ang bibig ko at walang masabi. I closed my mouth and looked at him thoroughly. “Uh, may nabasa ka ba?" Ngumiti siya sa akin at marahang tumango. Ginulo niya ang buhok ko at ipinatong ang kamay sa ulo ko. "Yes, kaya mula ngayon, poprotektahan na rin kita." *** "Aba Louise, araw-araw na lang ba tayong ganito?" Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang pag-uusap naming ni Shimozu at ang nangyari sa amin ni Naomi. Mabuti na nga lang at hindi na niya ako ginulo matapos 'non maging ang taong kinamumuhian ko. Ano nga ulit ang pangalan 'nun? Zaido? Ah, nevermind. I really don’t care. "Louise! Tumayo ka na diyan!" Tinakpan ko ang dalawa kong tainga gamit ang unan ko upang hindi marinig ang pagsigaw ni Akira. Kay aga-aga pa lang pero ang boses niya ay abot siguro ng kabilang building! "Isa pang tawag, Louise! Iiwan ka talaga naming dito! Bahala ka sa buhay mo!” At doon nagtatapos ang date namin ng kama ko. Badtrip. Another boring day.. Well, hindi naman ganoon ka boring katulad ng ginagawa ko doon sa Earth. Mabuti nga at nasasanay na rin akong makakita ng mga weird na bagay dito. Mukha naman daw kasi talagang Earth ang Elemania, ang kaso, pinagpala ang ilang tao sa Elemania dahil mayroong nagbigay ng kapangyarihan na naging dahilan kung bakit ang ilan ay mayroong abilidad. Sa labas ng Magical High, buhay Earth lang din naman daw. "Earth to Louise!" Napakurap ako nang pumitik si Nagi sa mukha ko. Nasa hallway na pala kami nang hindi ko namamalayan. "Nice Joke, Nagi. Earth? Talaga lang ha?" Natawa si Nagi sa sinabi ko. Sinuklayan pa niya ang buhok nito gamit ang kamay habang papunta sa klase namin. "Minsan, magkaroon ka rin kasi ng humor Louise. Seryoso mo sa buhay eh." Napatampal ako ng noo sa sinabi niya. Ako pa walang humor? Hindi ba't sawang-sawa na ako sa mga jokes ko sa sarili ko? "May tanong ako, anong tawag sa pinakamatandang isda sa buong mundo?" Napatigil ang dalawa sa paglalakad at nag-isip. Siguro'y iniisip nga kung ano ang pinakamatandang isda. "Uh, lungfish?" Nakakunot pa ang noo na sagot ni Aki. Tumawa ako at umiling. "Eeengk! Mali!" Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ko. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang estudyante dahil nasa gitna kami ng daanan. "Luh! Imposible! Iyan ang pinakamatandang isda dito sa Elemania!" Natawa ako sa depensa ni Nagi. Humor pala huh. "Mali! Ang tamang sagot ay, 555 tuna! Hahahahaha," Napahawak pa ako sa tyan habang tumatawa habang ang dalawa ay nakanganga lang sa akin. Tumigil ako sa pagtawa at sumimangot. "Nagjoke ba si Louise?" "Hala hindi ako nainformed! Inform nyo ko ulit ah!" Nag-apir pa ang dalawa at iniwan akong nakanguso pa. Iniling ko ang ulo ko at bumaling muli sa kanila. "Eh eto, ano ang mas matanda pa kaysa sa 555 tuna?" Nagkatinginan ang dalawa at nag-bulungan. Halata namang ako ang pinaguusapan dahil nakatingin pa sa akin. Teka, hindi pala nila alam ang 555 tuna. "Ano bang pinag uusapan ninyo?" Tanong ko. "Wala! Ano bang sagot?” Napairap ako sa kanila. "Edi Century tuna!" At doon nga nagtatapos ang kabanatang ito. "Class, na-inform ba kayo na ngayon ang training ninyo?" Nagsigawan ang mga kaklase ko maging ang mga kaibigan ko. Nagbabatuhan ng kung anu-anong bagay, nagtitilian pati na ang mga lalaki. Tumigil lang sila nang makarinig sila ng isang pagsabog gawa ni Magistra Myra. "Huy, anong training? 'Di ako informed!" Bulong ko kay Nagi na katabi ko. Nagkatinginan ang dalawa dahil nakalimutan nga nilang sabihin ito sa akin. Napangiwi naman ang mga ito.  "Babawi kami Louise. Promise." Napatampal ako ng noo sa sagot ng dalawa. Training eh wala nga akong kakayahan? Are they freakin' kidding me? "Ime-make over ka nalang namin." Napahagikgik si Aki sa saad nito. Anong koneksyon ng pagpapaayos sa problemang ito? Ipinagkrus ko ang aking dalawang braso habang matalim ang mga matang nakatingin sa kanila, "Seriously? Paano ako makakatakas nito? Hindi ako pwedeng magtraining." "Hey, Louise.” Nagitla ako nang may sumulpot sa tabi ko, si Shimozu. Teka, paano ito nakapasok sa classroom namin? Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakaalis na rin si Magistra, hindi namin napansin 'yun ah. "Problema mo?" Mataray kong tanong. Nagtatakang tumingin sina Aki at Nagi sa akin, iniisip kung sino ang lalaking sumulpot nalang bigla. "Aki at Nagi, Shimozu nga pala. Siya rin 'yung kinukwento kong nakaalam din dahil nga sa ability niya.” Paliwanag ko, tumango naman ang dalawa. "Hi girls." Pakilala ni Shimozu sa sarili at kumindat. Nandiri naman ang dalawa. Nakakadiri naman kasi. Napasimangot at napatingin si Shimozu sa akin, nabasa niya yata ang isip ko. "Kailangan ninyo ang tulong ko kaya ako nandito, I read Louise's mind-" nasipa ko nang malakas si Shimozu dahil sa sinabi niya, "Jerk!" Sigaw ko. Nasaan ang privacy ko dito? "Nakausap ko na si Magistra na masama ang pakiramdam mo, huwag ka nang magtraining." Napatingin kami kay Shimozu sa sinabi nito. Napapalakpak naman si Nagi sa kanya. "Naks! Ang galing! Teka time na, Louise! Babawi talaga kami okay? Pupunta na kaming field ngayon." Tumango ako at pinanood na lang silang umalis at lumabas ng silid. Wala na ring tao sa loob at kami nalang ni Shimozu ang nandito. "Hindi ko akalain na makakapunta ka sa mundong ito, Louise." Napatingin ako kay Shimozu na nakatingin sa kawalan, "Masaya ka ba rito? Lalo na't alam mong hindi ka talaga babagay dito?" Napalunok ako sa tanong nito. Masaya nga ba talaga ako? Masaya dahil nakita ko sina Nagi at Aki at nakatakas sa kalungkutan doon sa mundo kung saan ako lang naman mag-isa? Kahit na delikado ang buhay ko rito? "Hindi mo alam ang pinagdaanan ko," mariing saad ko. Napangiti siya at ginulo ang buhok ko. "Kaya nga kita gusto pang kilalanin kahit ganyan ka eh." Napanganga ako sa sagot nito. Akala ko ay magagalit siya na nandito ako pero hindi... "Kailangan ko nang umalis, Louise. May klase pa kami. Lumabas ka muna at magpahangin, that's what you need right now." Ngumiti siya sa akin at marahang hinalikan ang aking buhok. "See you later." Napahawak ako sa buhok ko kung saan niya hinalikan. Nakagat ko pa ang dila ko sa pagpipigil na ngumiti pero hindi ko talaga mapigilan. Masaya akong lumabas ng silid at naglakad-lakad. Napadpad akong muli sa lugar kung saan ako dinala ni Hiro. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang hangin habang nakataas ang dalawa kong kamay. Titanic. Isa sa mga palabas na kinagigiliwan ko talaga. "Hindi dapat ganyan." I froze when someone spoke behind. Dahan-dahan akong tumingin sa likod at nakita ko ang lalaking kinamumuhian ko. Dahan-dahan siyang lumapit siya sa akin at hinila ako palapit sa ilog. "Teka, papatayin mo ba ako? 'Diba sabi ko layuan mo na ako? I’ll leave! Just please don’t kill me! I mean, basta! Lalayo nalang ako!” Nanginginig na saad ko habang pinipigilan siya sa paghila ngunit hindi siya nag papigil at iniharap ako sa ilog habang yakap ang baywang ko. "Put your hands onto your side," walang emosyong saad niya habang nakahawak sa baywang ko. "Saglit, malapit na akong mahulog sa ilog," Ika ko habang nakatingin sa ilog na nasa harap ko. Kaunting galaw na lamang ay mahuhulog na talaga ako! "Just do it, damn it." Wala akong nagawa kundi itaas ang dalawa kong kamay habang nakapikit ang mga mata, pinipigilang tumingin sa ilog. "There, that's the correct position." Nagitla ako sa sagot nito, natatandaan ko ang isa sa mga senaryong nangyari sa palabas na paborito ko, hindi ba't ganito rin 'yun? Napangiti ako habang dinadama ang hangin. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kapayapaan kasama siya. Akala ko puro g**o na lang ang ihahatid sa akin ng lalaking ito. "So beautiful," wala sa sariling saad ko nang mailibot ko ang aking mata sa paligid. Takot ang inuna ko kaya hindi ko ito nakita.  "Yeah," sagot naman ng lalaking nasa likod ko kaya nagulat na naman ako. Nakalimutan kong siya ang kasama ko rito. Lumipas ang ilang mga minuto at napagdesisyunan kong kausapin siya. "Why are you doing this? I thought you’re mad at me?” Tanong ko. Akala ko ba lalayuan niya na ako? 'Diba galit nagalit pa siya sa akin 'nun? Eh ano 'tong ginagawa niya? He’s confusing me! "Akala mo ba ihuhulog kita dito?" Tanong niya. Napairap ako sa tanong nito kahit hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. Ibinaba ko na rin ang dalawa kong kamay dahil nakakapagod itaas. "Malamang, muntikan mo na nga akong patayin 'nun 'diba? Dito pa kaya? Syempre kayang-kaya 'no.” "No, I can't." Natawa ako sa sagot niya. I can't? What does it mean?  "Alam mo joker ka rin eh 'no? Basta ha, lalayo na ako pagkatapos nito." Napangiti ako ng mapait. Pangako ko pa naman sa sarili ko na ang lalaking kukuha ng first kiss ko ay magiging asawa ko. At nawala na ‘yung pangarap na ‘yon because of him! "Hindi rin pwede." "Aba, anong hindi pwed- ay!" Nagulat ako nang ikutin niya ako at hinarap sa kanya sa pamamagitan ng kamay na nakahawak sa baywang ko. Napahawak tuloy ako sa balikat nito habang nakapulupot naman ang kanang kamay nito sa baywang ko. Nakasuporta naman ang mga paa nito upang hindi ako mahulog nang tuluyan sa ilog. "Kasi...." Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at kumindat.  “I’m Saito Hiraga, your protector, master.” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD