Chapter 5
A guardian is someone who guards or watches over a person. While a protector is the one who protects someone.
“Ugh shut up, shut up, shut up mind! Alam mo naman na maloko ‘yung lalaking ‘yon. Don’t tell me naniwala ka at nahulog sa patibong niya?” Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko at tumitig sa salamin dito sa CR. Pero totoo namang nagbibiro lang siya. Ako? Magkakaroon ng protector? First of all, hindi talaga ako taga-dito. That’s why it’s impossible for me to have my own protector! Second! I don’t have any powers!
Pero the thought na mayroon akong protector dito sa mundong alam kong hindi naman talaga ako belong,
Shit.
“Louise, bakit ka kinikilig?” Napahawak ako sa pisngi ko na namumula. Hindi ko alam kung dahil sa lamig o talagang kinikilig ako. Napakagat labi ako at inayos ang aking buhok. Para bang kusang gumalaw ang kamay ko at sinubukang ayusin ang buhok at ang sarili.
“Ay kinikilig daw ang bruha.”
“Oo nga ‘teh, imagine isang oras at kalahati lang tayo nawala, natuto na siyang kiligin.” Napatingin ako sa aking likod at inilagay ang dalawang kamay sa likuran ko. Laking gulat ko na nandito rin pala sina Akira at Nagi sa CR. Ni hindi ko napansin ang pagpasok nila dahil sa pagde-daydream ko.
“Uhm hi! Hindi niyo naman ako in-inform na nandito pala kayo!” Pilit akong ngumiti at nag sign ng ‘peace’ sa dalawa. May hawak na pamalit ang dalawa at halatang pagod. Marahil siguro sa training nila.
“Ay paano ka namin kakausapin kung busy ka magpaganda dyan diba? Hmm, don’t tell me may nangyari sa inyo ni Shimozu noh?!” Dinuro ni Nagi ang aking noo at nakatingin ng masama sakin. Napaatras naman ako sa ginawa niya.
“Hoy! Hindi ah! Baliw ka ba, bakit naman ako kikiligin ‘don! Atsaka nalaman niya ang kalagayan ko ngayon. Eh wala akong magagawa eh. Mind Reader siya eh,” Nagkibit balikat ako at tumingin sa salamin. Paano kung ipagsabi niya ito sa iba? Ah, bahala na. Aalis din naman ako dito once na makahanap na ng sasakyan pabalik ng Earth eh.
“Ano?! Naku talagang patay ‘yun sakin kapag pinagkalat niya ‘yun. Papatayin ko talaga siya!” Naggagalaiting saad ni Akira kaya napatawa ako. Para kasing inis na inis siya kay Shimozu.
“Inis na inis ka yata sa kanya, Aki? Hmm. May nangyari ano?” At ang babae, napatahimik nga! Edi syempre totoong may nangyari. Ipinagkrus ko ang dalawa kong braso, si Nagi naman ay nakapameywang habang nakatingin ng masama kay Akira.
“Kaya pala kanina, habang pinapakilala ka ni Louise kay Shimozu eh may fishy fishy na!” Napairap si Akira sa sinabi ni Nagi. Ginatungan ko naman ito, “Ay nakita mo ‘yun? Akala ko ako lang nakakita. Parang kakaiba ano?” Nag-apir pa kami ni Nagi habang ang mukha naman ni Aki ay hindi na maipinta.
“Ano ba tigil-tigilan niyo na nga ako! Oo kilala ko siya last week pa. Naalala mo ‘yung nagbake tayo sa time ni Magistra Chiara? Ibibigay ko dapat ‘yun kay Dealth, ‘yung crush ko sa M Class. Eh ‘nung ibibigay ko na ‘yung cookies, nagulat ako nang kunin niya ang cookies tapos kinain sa harap ni Dealth! Ugh, sinabi pa niya kay Dealth na isa raw ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya!” Natawa kami ni Nagi sa pagkekwento niya dahil halatang inis na inis siya.
“Oh tapos? Anong nangyari sa inyo?”
“Ayun, kapag tinatry kong kausapin si Dealth, akala niya hinahanap ko ‘yung bwisit na yon. Wala na! Sira na ang lovelife ko dahil sa kanya!” Napasimangot siya bigla at napasandal sa lababo. It’s a good thing na walang katau-tao sa CR at kami lang.
“Wait lang, hindi ba kailangan naming bumawi sa’yo, Louise?” Napangiti naman ako sa salitang ‘bumawi’. Matitikman nila ang bagsik ng isan gutom!
“Oo naman! Gusto ko carbonara, palabok, pizza, fries, potato- oy saan niyo ko dadalhin?” Napatigil ako sa pagbibilang ng mga gusto kong pagkain nang bigla akong hatakin ng dalawa palabas ng CR.
“Secret!”
***
“Oh, so ano gagawin natin dito sa dorm? Matutulog?” Napabuntong hininga ako nang makapasok kami sa loob. Heto, nandito lang naman kami sa room naming. Buti na nga lang at lunch time namin kaya walang problema.
“Duh, ime-makeover ka naming noh! Since kinikilig ka rin naman, lubus-lubusin na ‘yan!” Napanganga ako sa sabi ni Nagi at pinaupo naman ako ni Akira sa harap ng salamin.
“Teka guys, hindi makeover ang gusto ko! Gusto ko ng pagkain!” Umiling-iling naman si Akira, “Hep! Hindi pwede, wala kaming pera kaya wag kang magreklamo diyan!” Napasimangot na lang ako nang nakita ko ang malaking make up kit sa harap.
Nakasimangot lang ako for 1 hour habang minemakeover ako. Ang dalawang ‘to, pinaupo ako sa harap ng salamin pero tinakpan naman ng tela! Si Nagi ang nag-aayos ng buhok ko habang si Akira ang nagme-make up sa akin. Hindi ako maalam sa ganyan kasi sa Earth, sapat na ang pulbos at lip gloss.
“Akira, pasuyo naman ng blower sa gilid mo.” Gusto kong magulat nang lumipad ang blower pero normal nalang pala ‘yon dito. Dito sa Magical High, maaari mong gamitin ang powers mo kahit saan, pero syempre may limitasyon din. Kung nasobrahan sa paglabas ng virgor corporis o enerhiya, katakut-takot na detention ang abot mo.
Speaking of abilities, ano nga palang ability ni Nagi? “Hey Nagi, ano palang ability mo? Hindi ko kasi nakikita eh.” Well that’s true. Hindi ko pa siya nakitang gumamit ng kapangyarihan niya. Tumigil si Nagi sa pagbo blower at may kinalkal na naman sa buhok ko.
“Hindi siya totally ability since bow and arrow ang gamit ko. Ang pinagkaiba nga lang, invisible ang bow and arrow ko. Like for example, kapag pinitik ko ito sa hangin, magiging totoo ito like this,” Inilapag niya ang blower at kinumpas ang kamay na para bang may hawak na pana. Itinutok niya ito sa dart board at wala pang isang minute, bull’s eye!
Napapalakpak ako sa galing. Napairap si Akira at halatang proud na proud si Nagi sa sarili na kumakaway kaway pa na para bang may iba pang nanonood. Napatawa ako sa inasal nito. Sabog pa rin talaga.
Napangiti ako. Paano kaya kung mayroon din akong kapangyarihan tulad nila ano? Sa totoo lang, hindi ako nagsisisi na napadpad ako dito. Para ngang mas naging mundo ko na ito kaysa sa Earth. Ewan ko ba, ‘di ko feel ang paninirahan ko doon.
Lumipas ang tatlumpung minuto at sa wakas! Natapos din sila. Dahan-dahan nilang tinanggal ang telang nakaharang sa salamin at.. Well, this is cliché pero bakit parang nagmukhang tao ako? I mean, don’t tell me ginamitan ng mahika ang make up nay an?
“Hoy don’t tell me may magic yang make up na ‘yan? Ang astig!” Pumalakpak ako at hinawakan ang make up kit. Natawa naman ang dalawa.
“Baliw, normal na make up lang yan. Bakit ba hindi ka maniwala na maganda ka naman talaga?” So kikiligin ba ako sa sinabi ng dalawa? Napangiti ako at niyakap ang dalawa.
“Thank you guys.” Yumakap din naman ang dalawa pabalik.
“Ano? Let the show begin! Kabugin mo si Margaux, Louise!” Natawa ako at sabay-sabay kaming lumabas ng silid para sa next class namin. May 30 minutes pa kami bago magstart ang next class. Oo, ganyan katagal!
Ramdam kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante pagkalabas naming tatlo. Syempre, unang-una, hindi nila ako kilala except sa commotion na nangyari sa cafeteria. Pero ewan, baka rin sa ganda ko. Joke! Ang assuming!
Habang nagkukwentuhan kaming tatlo tungkol sa naganap na training nila kanina, naramdaman kong may humarang na isang babae sa harapan ko. Pagkatingin ko sa kanya, nakita ko na naman ang nakasalamin, maikli ang buhok, at aakalain mong mahinhin.
“Aba, si new girl, nagpapasikat yata. Anong gusto mong mangyari ha? Mapansin ka ng iba? Napansin ka lang ng Metantei gumaganyan ka na?” Walang reaksyon ang mukha niya. Nakataas lang ang kilay at nakakrus ang braso nito. Tumitig din ako sa mata niya at ngumiti.
“Wala akong panahon for those people who isn’t worth my time. So please excuse us.” Binangga ko siya habang nakasunod si Akira at Nagi sa akin. Sobrang init! Maraming mata ang nakatingin at kitang-kita ang pagkamangha. Binangga ko ba naman ang akalang reyna ng Z Class.
“OMG Louise! Did you see her face? That was so amazing! I’m so proud of you!”
“Paniguradong kumukulo na naman ang dugo ng babaeng ‘yon pero woah! You did it!” Nag-apir ang dalawa sa harap ko nang makalayo kami sa scene. Natawa ako sa inasta. Mga bagay na hindi ko nagawa sa lugar kung saan ako nanggaling, pwede ko pa lang magawa?
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang makita naming si Shimozu na naglalakad papunta sa amin. Tiningnan ko naman si Akira at umikot ng 360 degrees ang mga mata. “Aba, Louise. Ang ganda mo ngayon ah? Ano meron? Sino may birthday?” Napairap din ako sa saad nito.
“Ewan ko sa’yo. Gigil pa rin pala si Akira sa’yo.” Tiningnan ako nang masama ni Aki nang sabihin ko ‘yon. Napatingin si Shimozu kay Akira. “Oh, naaalala na kita! Ikaw ‘yung may crush sa akin ‘noh?”
“Aba ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ‘yun para sayo! Ugh! Bahala ka na nga jan! Tara na nga!” Hinatak kami ni Akira palayo kay Shimozu. Binelatan ko si Shimozu na nakasimangot ngayon.
Inaasar namin ni Nagi si Akira nang umilaw ang necklace ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngunit hindi ako mapakali. Tila may gusto itong sabihin tungkol sa lalaking nagnakaw ng first kiss ko. Ugh, totoo kaya ‘yung sinasabi nung lalaking ‘yon? Paano kung totoo yung sinabi niya na protector ko siya? Baka konektado ang necklace ko sa kanya? Aish, ang dami ko na namang naiisip!
“May problema ba, Louise? Para kang uod diyan. Umayos ka nga.” Umayos ako nang tayo at bumuntong hininga. Ano bang gagawin ko? Bahala na nga.
“Aalis muna ako, guys.” Napapikit ako nang mariin nang mas lumiwanag pa ang necklace. Bahala na. Itsecheck ko lang naman, hindi ako magpapakita.
“Ah eh? O sige, basta diretso ka na sa classroom ah? Mags-start na rin ‘yun.” Tumango ako at tumakbo. Hindi ko alam kung bakit pero pumunta muna ako sa Dorm at kinuha ang pamalo na nakuha ko don sa gubat incase na may mangyaring hindi maganda. Yes, tinago ko siya!
Hindi ko rin alam pero parang may sariling isip ang mga paa ko na para bang alam na alam kung saan pupunta. Ah bahala na. Napadpad ako sa isang abandonadong building kung saan nirerenovate pa ito. Napatigil ako sa pagtakbo dahil hinihingal na ako at may naririnig akong boses.
“S-saito?” Nakita ko siyang sugatan at nakikipaglaban sa isang lalaking naka-hood. Nakita ko rin ang na may tattoo ang lalaki sa kanyang mukha. Hindi ko lang alam kung saan ko ito nakita.
“Nakatutuwang may nagmamalasakit pa pala sa’yo, Hiraga. O baka naman, siya na nga talaga?” Napatingin ako sa lalaking mayroong nakakatakot na tingin at ngiti pero iniwas ko uli ito. Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal.
Nawala siya bigla at nagulat ako nang nasa harapan ko na ang lalaking naka-hood. “Ikinalulugod kong makita ka, binibini.” Napaatras ako nang naglaho siya nang parang bula.
“Alam mo ba kung anong ginawa mo, ha?!” Paika-ikang naglalakad si Saito papunta sa direksyon ko. Duguan ang kanyang mukha. May sugat sa labi at pisngi. Halatang sinuntok din siya sa tiyan. “What happened to you? You look like a mess!”
“Tanga ka ba?! Bakit ka sumunod? Hindi mo ba alam na delikado dito?! Minsan talaga hindi ka nag iisip no?” Napatulala ako nang sigawan niya ako. Nagitla ako at nawala sa balance kaya napaupo ako sa sahig. Nanlilisik ang mga mata at galit na galit.
“Pumunta na nga ako dito para sa’yo tapos ikaw pa ang galit?!” Pasigaw na sagot ko sa kanya. I can’t understand him!
Napasabunot siya sa kanyang buhok, “Aaaaah! Ang tanga tanga mo talaga! Bakit ba isang tanga ang pinoprotektahan ko?!”
Ako? Tanga? Tangang pinoprotektahan?
“Oo na! Sorry na kung sumunod ako diba! Sorry kung wala naman akong alam sa nangyayari diba! Sorry na kung tanga ako. Nag-aalala lang naman ako kung ano na nangyayari sa’yo! Kung wala sana ‘tong necklace na ito sana hindi na ako nagkakaganito diba?!” Tumigil ako sa pagsasalita at dahan-dahang tumayo. Napatingin sa nakaaawa niyang mukha. Pero parang grabe naman yata ang pag-apak niya sa pagkatao ko. Alam kong tanga ako, hindi naman na niya kailangan sabihin ‘yon. Naramdaman kong nag-iinit ang mga mata ko, parang may gustong kumawala.
“Protector mo ako, Louise. Kailangan kitang protektahan,” Malumanay niyang saad at dahan-dahang lumalapit sa akin.
“That’s it! You’re my protector and it’s also my obligation to know if my protector is still alive!” Nagka-tinginan kaming dalawa. Ang tahimik ng paligid, tanging huni lang ng ibon sa labas ng building at pagaspas ng mga puno lamang ang tanging naririnig.
Napailing ako at tumalikod sa kanya, “Aalis na ako,” Ika ko. Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso. “Wait, Louise.”
Tumigil ako sa paglalakad habang hawak niya ang aking braso pero hindi pa rin ako lumilingon. Masakit, para sa akin ang nangyayari ngayon. Pero bakit parang bakit mas malakas pa ang pagtibok ng puso ko kaysa sa mga huni ng ibon?
“You look great,” tumigil siya sa pagsasalita at nagitla ako sa sinabi niya.
“Take that as a compliment.” Binitawan niya ang paghawak sa aking braso at lumabas ng building, iniwan akong nakatulala.