Hindi sinasagot ni Raevan ang mga tawag ko. Ganoon din ang aking mga message at chats. I sighed, feeling stressed now. Gusto ko mag-sorry dahil alam kong mali ang ginawa ko. Nagsinungaling ako sa kaniya. Sinabi ko na umuwi na ako tapos makikita niya akong may kasamang lalaki, nakahawak pa sa kamay ko. Nag-aalala ako sa nararamdaman niya. I'm sure it hurt. Bumigat ang pakiramdam ko sa dibdib. I didn't know that it will affect me like this. Na-gui-guilty ako kasi alam kong ako 'yong mali. Hindi ko siya ma-contact kaya pinili kong kausapin siya bukas kasi magkikita naman kami sa school. Maaga pa lang ay nasa school na ako. I'm preparing for my class. Mamaya pang alas nueve ang aking klase kay Raevan kaya tingin ako ng tingin ako sa relo para tingnan ang oras. "Class dismissed!"

