Tahimik kaming pumasok sa unit ni Raevan. Thank god kasi wala namang tao kaming nadaanan kaya safe akong nakapasok. Tahimik na pumasok ng kwarto si Raevan. Umupo naman ako sa kaniyang sofa at doon naghintay. Napaka-awkward ng atmosphere. Kinakabahan pa rin ako. Napatayo ako ng tuwid nang lumabas si Raevan sa kaniyang kwarto. Nakaputing t-shirt at jersey short na lang siya. I swallowed hard because his new look suit him well. Mas lalo siyang nag-matured at nagka-itsura. Hindi ko sinasabi na hindi siya gwapo no'ng mahaba pa at buhaghag ang buhok niya, sadyang maaliwalas siyang tingnan ngayon. "Kumain ka na?" Tanong niya. I shook my head. "I'm not hungry. Mag-usap na tayo" He nodded quietly. Lumakad siya papunta sa single sofa na kaharap ko. I put my legs together while I

