Nang makarating kami sa rancho na sinasabi nito ay agad n'ya ng ipinarking ang kotse. Tinatahak namin ngayon ang daan papasok sa loob nito. Katulad ng isang normal na farm ay malawak din ito. "Ang ganda naman dito." namutawi ko pa. Habang pinagmamasdan ko ang paligid. Dahil sa Ang dami ko na nakikita na puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. "Matatamis ang mga 'yan. Baka kapag natikman mo ay hindi ka na tumigil sa kakain." Nakangiti na sabi pa nito. Hanggang sa tumigil ang kotse sa isang malaking bahay. Ang yaman talaga ng kan'yang pamilya. Kaya naman lahat ay maaring magawa nila at mapagtakpan. Kapag pera talaga ang umiral. Kawawa ang mga mahihirap. "ELY, okay ka lang ba?" "Huh!" "Nakatulala ka na kasi d'yan." "Oo, okay lang ako. Excited lang na matikman ang masasarap na m

