Naalimpungatan ko dahil sa katok na nagmumula sa pintuan. Napatingin ako sa aking bedside table at napangiti ako sa nakalagay dito. Ang flowers na ibinigay n'ya sa akin kagabi. Sweet naman pala ang isang ito at talagang itinaon n'ya pa talaga sa valentine's day ang kan'yang pag-amin sa akin. Akalain mo iyon. May gusto na pala s'ya sa akin na hindi ko namamalayan. Ang akala ko pa naman ay magiging mahirap para sa akin ang lahat. Pero heto at pahihirapan ko pa s'yang manligaw. Para naman kapag sinagot at iniwan ko na s'ya ay mas masakit pa ang maramdaman n'ya. Dahil pinaghirapan n'ya na makuha ang matamis kong oo. Mas doble ang sakit nito sa kan'ya. Tumayo ako sa kama at ito naman ay tumigil na sa pagkatok. Inayos ko muna ang aking sarili at hinila ang p'wedeng maisuot ko pantakip dito

