"Uwi na ako,baka nand'yan na ang amo ko."paalam ko dito. "Salamat ulit. Sana sa susunod ay may ganito ulit tayo na bonding." Sure, kapag free Ako,at kapag wala ka din trabaho."sagot ko sa kan'ya. At habang palabas kami ay puro pa kami tawanan nito. Dahil na din sa pinanood namin na pelikula. Ang lakas lang kasi nitong makapagbigay ng aliw sa amin. "Nag-enjoy ka ba?" "Oo naman,super enjoy talaga ako sa ganitong bonding din. Nababagot din kasi sa loob ng condo ng boss ko." nakangiti na sagot ko sa kan'ya. Hanggang sa makalabas kami ng condo nito ay panay pa din ang tawanan namin na para bang wala kaming pakialam sa mga makakasalubong namin. Kaya lang ay paglabas namin. Eksakto naman na tinawag ako ni Major. Nakauwi na pala ito. Lumapit ito sa amin at ang nakakainis lang ay kung anu

