"Dito ang kwarto mo!" sabi nito na naririnig ko naman. Habang ang aking mga mata ay inililibot pa din ang aking mga mata sa loob nitong kan'yang condo. Simple lang naman ang ayos nito,pero ang sosyal pa din ng dating dito sa loob. Kumpleto din ang mga gamit n'ya. "Babae!" napalingon ako sa kan'ya. At talagang nasanay na s'yang babae lang ang tawag sa akin. Kahit pa nga alam n'ya naman na ang pangalan ko. "P'wede bang Ely naman ang itawag mo sa akin. Sinabi ko naman sa'yo na may pangalan ako at hindi lang basta Ely ang pangalan ko." Inis kong sabi sa kan'ya. "Mas trip ko ang babae, dahil soon ay may karugtong 'yon." Sagot nito na lalong naguguluhan naman ako. Ang hirap talagang kausapin ng isang ito. Ano naman kayang isusunod n'ya? "Anong kasunod?" tanong ko sa kan'ya." Pero hindi

