Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko s'yang walang suot na damit pang-itaas at tanging apron lamang ang suot nito. Napapalunok ako ng laway sa nakikita ko sa kan'ya ngayon. Ang ganda ng abs nito na halata naman na alagang-alaga n'ya ang kan'yang katawan. Naglalagay ito ng mantika sa kawali. At grabe sobrang g'wapo nito. P'wede na s'yang kunin na isang modelo. Hanggang sa humarap ito. "Oh! Ang akala ko ba magpapahinga ka muna?" tanong nito sa akin. "Naiinip kasi ako ,kaya lumabas na lang ako. Ano ba yang niluluto mo?" Sagot ko at tanong sa kan'ya. "Ah! Ito simpleng adobo lang. Sana magustuhan mo." Sagot nito. "Gus'to mo tulungan kita?" "Ikaw!" Lumapit naman ako sa kan'ya. Dahil nga mag-gigisa pa lang naman s'ya ng sibuyas at bawang ako na ang nag-abot sa kan'ya nito.. Nakita k

