"Umalis ka nga d'yan!" Utos ko sa kan'ya. Dahil wala na talaga akong maatrasan pa. "Ayaw ko! Hindi ako aalis dito na hindi tayo maayos Ely." Tumingin ito sa aking mga mata. Pero hindi ko kayang tagalan. Kaya napayuko na lamang ako. "Ely, tumingin ka sa akin please! Tingnan mo ang mga mata ko. Dahil dito malalaman kung anong nilalaman nito." Utos nito,pero hindi ko talaga kayang titigan ang kan'yang mga mata. Para bang kapag tinitigan ko ito ay para lang akong nahihipnotismo. "Ely," hinawakan na nito ang aking mukha. Dahan-dahan nitong ini-angat ang aking mukha. Hanggang sa magtama ang aming mga mata. Kita ko sa sulok ng kan'yang mga mata ang luha. S Isang magaling at kinikilalang pulis ang nasa harapan ko ngayon at umiiyak ng dahil sa akin. "Galit ka ba? Saktan mo Ako kung gali

