"ANONG IBIG SABIHIN NITO KAIZER?!"nagising sa malakas na tono ng boses na hindi ko alam kung kanino nang-gagaling. Napatingin ako sa may pintuan at may isang babae doon na nakapameywang. Hindi ko s'ya kilala. Agad akong napaupo sa kama. May suot naman akong damit. Pero wala akong panty at bra. Itong suot ko na damit ay kay Major pa. Kaya hinila ko ang kumot para maitakip ito ng maayos sa aking katawan. "Walanghiya ka! Sino kang babae ka!" Bigla itong lumapit sa akin at agad na hinila ang aking buhok. "A-aray ko! Ang buhok ko! H'wag ang buhok ko!" sigaw ko sa kan'ya. Dahil hawakan n'ya na ang lahat. H'wag lang ang buhok ko. Hindi ko nga ito madalas na pinapagupitan. Dahil ayaw ko talaga na may humahawak dito. Noong nag-aaral nga ako ay minana akong napatawag sa guidance. Dahil nanampal

