Chapter 2

1563 Words
2 Flynn’s Pov “Sir may bisita po kayo.” napalingon ako sa direksyon ni manang Helen ng marinig ang sinabi niya. Pinatay kona ang tv at lumingon ulit ng marinig ang sunod na nagsalita. “Flynn pare!” napangisi naman ako ng makita kung sino ang dumating. “Uyy Rick! Kamusta!” sagot ko ng makita si Derick na kasunod ni Manang. Nagmanhug kami at fistbump saglit bago siya umupo at humiga sa sofa, feel at home amputa hindi parin talaga nagbabago tong lalaking to. “Manang pahatid naman po ng merienda.” utos ko kay manang Helen na tumango lang. “Heto mas lalong gumwapo hahaha.. ikaw kamusta ang States? Rinig ko kasi kay mama na dumating nadaw kayo kay dumiretso agad ako dito. Matagal tagal narin nung huli kang umuwi dito sa pinas ah?” tanong niya pabalik. “Oo nga e biruin mo yun tumangkad kana pala?hahaha” pang aasar ko sakanya, noon kasi sya ang pinaka maliit shaming apat Kala ko nga di na tatangkad to. “Gago! hahaha.. Dito naba kayo titira for good?” tanong niya ulit. “Oo, tapos narin naman ang divorce paper ni mommy at ng magaling kong ama, from now nagstart narin ng business si mommy ng café bar and so far benta naman.. hindi narin kasi kami umasa sa pera ng matandang yun alam mo naman may sariling pamilya narin yun.” mahaba kong paliwanag at ininom yung kararating lang na juice at cupcake na inilapag ni manang Helen sa round table. “Oh good to hear that then, mabisita nga ang café bar ng mommy mo’t baka bigyan ako ng discount hahaha..” natawa naman ako sa sinabi niya. Siraulo talaga. “Ah oo nga pala san ka mag aaral ngayon?” “Sa Miro University daw, rinig ko kasing kahit public dun maganda daw ang mga facilities ron.” Sabi ko na ikinaupo niya ng ayos at tinuro ako. “Yown oh! Dun din kami nag aaral nina Vin at Glen! Mabuti naman at dun mo naisipan mag aral.” Sabi niya sa natutuwang boses at ininom yung juice niya. “Talagang masisiyahan ka dun maraming magagandang chix dun pare haha.” dagdag niya, napailing nalang ako sa sinabi niya at tinawanan sya. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa di na namin namalayang gabi na pala, napahinto lang kami sapag uusap ng magtext na si tita Fie, mama niya na pauwiin nadaw dahil may ipapabili ito at urgent daw, kaya wala na siyang nagawa. “Sige bro! Kita nalang tayo bukas sa school..ikamusta mo nalang ako kay tita Reg. Bibisita lang daw si mommy dito pag hindi na siya busy.” “Sige2 ingat!” tanging sagot ko nalang at tinanguan siya. Nanood nalang ako ng balita ng wala naakong magawa at inubos yung pagkain nanasa round table na hindi pala naubos. Ng sumapit ang 10pm ay siya namang pagkarating ni mommy. “Oh my gosh Im so exhausted.” sabi niya at naupo sa kabilang sopa. Lumapit lang ako sakanya para magmano sakaniya at naupo rin ulit. “How's the cafébar mom?” pangamusta ko sakanya ng makitang mukha nga siyang stress. “It went well naman, talagang kulang lang tayo sa tauhan if maopen na ang bar sa gabi alam mo naman maraming dumadagsa na kabataan sa gabi. Buti nalang may nag apply kani kaninang umaga kaya napaaga ako ng uwi.” Sagot niya atsaka ulit tumayo. “By the way Im done eating dinner. Matulog ka ng maaga okay? you still have class to attend tomorrow. Goodnight..” dagdag niya pa sabay halik sa pisnge ko at umakyat na papunta sa silid niya. Ilang sandali lang din naman ay napagdesisyunan ko naring umakyat papunta sa kwarto ko para matulog. KINABUKASAN Maaga akong nagising kinabukasan kaya agad naakong naligo,nagbihis at kumain. Niready ko narin ang dadalhin ko atsaka na umalis ng bahay, hindi na ako nag paalam kay mommy dahil alam ko namang tulog pa yun. Bago pumasok sa school sumaglit muna ako sa convenience store na malapit lang sa school at pumasok sa loob para bumili ng soda in a can at bubblegum narin.Nasa counter naako ng mapansin ko ang isang lalaki na kakapasok palang naka oversize shirt sya at loose pants tapos naka cap na kulay maroon. Napatitig ako sakanya dahil sa pagtataka mukha kasi siyang babae pero—napaiwas ako bigla ng tingin ng tumingin siya sa direksyon ko at agad na tumingin tingin sa kabilang direksyon. Napahinga lang ako ng malalim dahil sa relief ng magtuloy tuloy siya rito sa loob--teka bat nga ba’t ba ako kinabahan? Ais—“Sir? P53.50 po lahat.”natauhan ako bigla ng marinig ang cashier kaya agad naakong nagbayad at kinuha ang pinamili ko saka ako lumabas, ba’t baako nataranta? Pumasok nanga ako sa school at tumingin sa paligid.. hmm not bad maganda nga naman talaga ang school nato. “Hi pogi!” nabigla lang ako ng may nag ‘hi’ sakin at napangiwi ng makitang ang ikli ng suot niyang skirt at halos makita na ang boobs niya dahil sa damit niya na parang ewan. Wala kasing uniform na ipinatupad ang school as long as may ID ka kaya kahit anong damit pwede mong suotin kaso parang nasobrahan ata tong babaeng to. Tumango lang ako at nilagpasan ito, wala akong interest para makipaglandian pumasok ako para mag aral dito hindi para lumandi. ’ang sungit, yan ang gusto ko…’ “FLYNN!” napalingon ako ng may tumawag sakin at lumapit ng makitang sila Derick iyon. Napangiti naman ako ng makita sina Vin at Glen at agad na nakipag fistbump at tapik sa braso sa dalawa. “Yow musta!?” sabi ko sa dalawa. “Grabe ang laki na ng pinagbago natin ah?” sabi ni Glen. “Oo nga bro dina kita nakilala!” sang ayon naman ni Vin na ikinatawa ko. “Asus di parin pala kayo nagbago palabiro parin kayo hahaha!” sabi ko sa dalawa. “Oo nga pala insan anong section ka?” tanong bigla ni Derick. “Ah 12-A,kayo?” sagot ko na ikina hiyaw nila. “Kaklase ka namin bro!” sabi ni Glen sabay akbay sakin. “Yown---Oh? Teka si Esme ba yun?” napahinto si Vin at may tinuro sa di kalayuan ---teka! Siya yung lalake kanina sa convenience store ah? biruin mo yun dito pala siya nag aaral? Napa ‘o’ ang bibig ko at mukhang napansin yun ni Derick kaya naki intriga. “Kilala mo Flynn?” tanong niya . “Ah hindi,nakita kolang kanina.” Sagot ko habang nakatitig sa lalaki. “ESME!” nabigla ako ng sumigaw si Derick at tinawag yung lalaki, ewan konga kung anong nangyari sakin at bigla akong nanigas parang gustong tumakbo ang paa ko para hindi niya ako makita na ewan! TEKA NGA ano bang nangyari sakin ha? At nagkakaganyan ako sa isang payat na lalaking yan? "Wow nice cap peram!" natauhan nalang ako bigla sa pagtitig sakanya ng marinig ang sinabi ni Vin. Umiwas yung tinatawag nilang ‘Esme’ ng akmang kunin ni Vin ang cap nito. “Hah bili ka ng sayo dude.---Oh may bago nanaman kayong recruit? " natatawa nitong sabi at napatingin sakin na ikinatulala konanaman kaya ang resulta hindi ko naayos ang pagtatanong kay Derick at nasabi konalang ay, "Anong recruit na sinasabi ng payat nayan?" "ANO SABI MO?" nabigla ako ng sumigaw siya at hinaklot ang collar ng damit ko, sa pagkakataong iyon natitigan ko ng mabuti ang mukha niya—correction ang galit na galit niyang mukha. Nka ekis na kilay, maliit man na ilong pero ang tangos tangos, ang sobrang kinis niyang mukha at mapupulang lab---TEKA NGA ULIT! Bat baako natulala sa isang lalaki? wag mo sabihing bakl---erase! erase! Amputs na pag iisip yan nakakadiri na ah! "Wuy!wuy!wuy!" rinig kong sigaw nina Glen na pilit pinaghiwalay yung kamay niya sa collar ko. "Woah Chill kalang..nagtatanong lang eh." Tangi ko nalang nasabi ng natatawa diko kasi akalaing ang cute niya pala magalit---TEKA NANAMAN! May sira nanga siguro ang utak ko kung ano anong masasagwang pumapasok eh! "Oo nga kalma lang ang ikli talaga ng pasensya nito parang jinojoke lang e." umismid lang ang lalaki at sinamaan ako ng tingin. "Abay talaga lang,At ikaw! (turo sakin) Kung bubulong kanalang siguraduhin mong hindi ko rinig. Bwiset!" sigaw niya ulit sa maangas na tono na ikinangisi ko, ewan koba natutuwa ata ako sa ekspresyon niya. Tinalkuran niya na kami at nagmartsa na paalis. “Ang sungit sungit talaga ni Esme, hahaha. ” sabi ni Glen. “Sinabi mopa, kaya ikaw Flynn wag mong banggain yun, payat na payat lang yun pero masakit yun manapak at manuntok example na dun ang experience ni Derick! hahaha diko talaga yun makakalimutan!” sabi ni Vin at hawak hawak ang tyan na tumawa napasimangot naman si Derick sa narinig at binatukan si Vin. “Gago!” tumawa lang si Vin at Glen. “Bakit ano bang nangyare?” natatawa kona ring tanong,mag sasalita nasana si Vin para magkwento kaso nagbell na kaya hindi narin natuloy. Napailing nalang ako at napangisi bigla ng maalala ng malapitan ang mukha nung Esme----tf magpa psychiatrist na siguro ako nabubuang naata ako e. “Tara na Flynn! Wag mo na pakinggan yang mga kupal nayan. ” sabi ni Derick na ikinatango ko, tawa lang ng tawa naman yung dalawa na ikinangisi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD