Disclaimer:
This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Hindi rin ito maaring ilipat sa kahit na anong plataporma or i-print o kahit na anumang paraan na pagkuha ng storyang ito na walang permiso ng author.
ENJOY READING!
---------
ESME
.
.
"Mahal!wag mo akong iwan!"
"Wag kang mag alala mahal hinding hindi naako aalis sa tabi mo"
"I love you."
"I love you t----"
"Ang KJ talaga ni Esme deary!" tumitiling sabi ni Jino aka Jina na sinamaan ako ng tingin.
"Waaa! Esme! Bat mo pinatay!? ang ganda ganda na nun e!" tinignan ko ng nakakadiring tingin si Rina tsaka siya inirapan, like wut??
Ang sagwa sagwa nga ng pinanood nila eh tas puro kakornihan pa ang sinasabi! Sakit kaya sa tenga di ako nakakapag concentrate sa pinagbabasa ko.
"Tumahimik kayo jan! Kayo nanga ang basta basta nalang sumusugod sa bahay namin at nakikigulo kayo pa may gana mag reklamo. Umalis nalang kayo at pumunta sa pamamahay niyo kung gusto niyong manood ng malalaswang pelikula!" sigaw ko sa dalawa na ngayon ay nakasimangot.
"Wah anong malasawa sa pagsasabi ng i love you? Nakakakilig nga yun pakinggan eh diba Jino?" tanong ni Rina Kay Jina na sumang ayon din.
"Excuse moi, Jina is my name sissy at yah korak ka jan ang sarap kaya pagsinabihan ka ng isang papable ng ilove you.. ahihihi nakakalaglag panty." sang ayon ng bakla na ikinasaltak ko. Errr..
"Brief kamo!" natatawa kong sabi at humalakhak pa.
"Gaga! Palibhasa kasi yang isa dyan bitter nanga tomboy pa! HAHA" Jina.
"TAMA! HAHAHA" pag sang ayon ni Rina.
"Tumahimik kayo. Atleast hindi ako pumapatol sa kauri ko di tulad ng Iba jan naghahanap ng lalaki kahit mas mukha pang lalaki" Saad ko na ikinasama ng tingin ni Jino.
"Asus denial pa! Hoy ka rin Esmeralda Jean Reynes! baka nakalimutan mo kitang kita ng buong estudyante sa Miro University yung pagbigay mo ng roses kay famous fancy girl Elise last school year! hahaha diba? diba?" sabat ni Jina na ikinasimangot ko.
"Ewan ko sainyo! Umalis nanga kayo ang istorbo nyo!" sigaw ko saka tumalikod, nagtawanan naman sila.
Punyets alam kasi nilang talo ako kapag yun na ang pinag usapan nila. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro nagheadset narin ako ng makitang nanonood ulit sila ng palabas, ayokong magdugo ang tenga ko sa pakikinig ng korning palabas nuh.
Nabigla nalang ako ng may mag pop up na message ko.
Pagbukas ko ng cellphone ay bumungad agad sa screen ang mukha niya, ah shesh bat ba kasi ang hirap magmove on?
aish! Message ang titignan ko hindi ang mukha niya. Hayst..
Ng maopen ko na ang message ay natuwa ako ng si Tito Jay pala ang nagtxt.
From:Tito Jay 5:10
Tito Jay: Princess!
Ako: Inangyan tito
Tito Jay: Joke lang Jean..painform nlang sa papa mo na uuwi na ang gwapo niyang kapatid mamaya.😎
ako: k
Napailing nalang ako at inoff na ang cellphone saka nagconcentrate na ulit sa pagbabasa. Ng sumapit na ang gabi ay tumayo naako dahil mukhang nakaramdam naata ako ng gutom.
Sakto namang pagtayo ko ay may kumatok at bumukas ang pinto tas iniluwa dun si papa.
"Anak bumaba na kayo at ng maghapunan na tayo." sabi niya na ikinatango ko.
"Sige po pa, woy." tawag ko sa dalawa na ngayo'y concentrate parin sa panonood ng pelikula, lumingon naman sila maya maya at ngumiti kay papa.
"Dito na kayo kumain Rina at Jino." pag aya ni papa na ikinatango nung dalawa.
"Sige po tito." sagot ng dalawa at nagsitayuan, inoff na nila ang tv bago sumunod sakin pababa. Pag upo namin sa hapag kainan ay siyang pagkarating din ni Tito Jay na ikinatuwa ko.
"Tito Jay! Saktong sakto maghahapunan napo kami." masaya kong bati at agad na tumayo para mag mano, sumunod din yung dalawa.
"Narito kana pala Jay kumain ka narin siguro nagutom kana sa byahe."sabi ni papa na ikinatawa ni tito.
"O narito pala ang mga kaibigan mo Jean. Oy Rina may kaonting improvement naba para maging babae tong pamangkin ko?" natatawa niyang biro na ikinangiwi ko.
"Wala panga rin po eh,wala na ata sigurong pag asa yan." nagtawanan silang lahat na ikinailing ko.
Nagkwekwentuhan lang sila, oo sila lang hindi ako makarelate sa usapan nila e.
Maya maya rin lang ng matapos na kami sa hapunan ay napauwi ng wala sa oras ang dalawa ng tawagan na sila ng magulang nila.Buti nalang may motor si Jino.
"Geh ingat kayo..may aso panaman sa daan sana hahabulin kayo." pananakot ko sakanilang dalawa na tumawa lang.
"Pakyu ESMERALDAAA!" sigaw pa nilang dalawa sa nang aasar na tono ng pinaharurot na ni Jina ang motor.Napailing nalang ako at bumalik na sa loob.
Pagpasok ko sa bahay nakaupo na dun sa sopa si papa at tito Jay na ngayo'y may hinalughog sa isang paperbag.
"Jean!Halika rito may pasalubong ako sayo." sabi niya at pinatong sa lap niya ang paper bag. Lumapit nga ako sakanila at tumabi kay tito.
"Tadaaa!" sabi niya bigla sabay pakita nung pasalubong niya na- napangiwi ako sa nakita at naniningkit na tinignan sila na ngayon ay pinipigilng tumawa.
"SERYOSO TITO?" sigaw ko sa gulat
Pano ba naman bigyan ba naman ako ng headband na may ribbon ribbon pa na design kadiri.
"No offense tito pero dipo ako tumatanggap ng ganyang bagay." sabi ko. Rinig na rinig ko ang halakhak ni papa sa giliran na nanonood pala samin, tumatawa narin si tito na kanina lang pala nagpipigil ng tawa niya.
Naku naku pinagtitripan ako ng dalawang to eh.
"Joke lang Pamangks ehto ang para sayo!" bawi niya at nilabas ang isang cap na kulay itim at inabot sakin.
"Woah!Another collection naman ito! woooh thank you tito grabe isusuot ko talaga to!” masaya kong sabi. Ang ganda pa ng kulay itim, ang cool tignan!
“Nagustuhan mo pamangks?” tanong niya.
“Sobra po!”sabi ko at agad nag paalam sakanila na pupunta naako sa silid. Pagkapasok ko ng kwarto agad kong tinignan ang sarili sa salamin suot ang cap. Geezus ang astig! Nababagay sa boycut kong buhok!
Ipinasok kona ito maya maya sa cabinet ko bago natulog, hyst excited naakong suotin ito bukas.
KINABUKASAN.
Maaga akong nagising kinabuksan, agad konamang ginawa ang ritwal ko sa umaga. Pagkatapos ay sinuot na ang cap na bigay ni tito bago umalis ng bahay dala ang tinapay, hindi naako nag agahan dahil mukhang nag inuman yung dalawa kagabi at nalasing kaya tinanghali na ng gising. Buti nalang may tinapay pa.
Sasaglit nalang siguro ako sa convenience store na malapit sa school at magkakape nalang siguro ako.
Pagkarating ko dun napalingon ako sa side ng counter at napakunot ang noo ng makitang umiwas ng tingin yung isang lalaki, problema non? Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at lumapit sa estante ng lalagyan ng tubig at kumuha ng isa saka pumila na sa counter, napatingin nalang ako sa pintuan ng makitang umalis na yung lalaki kanina. Weirdo.
Pagkatapos magbayad dumiretso naman ako sa vending machine ng kape at nag hulog dun ng limang piso at pinindot yung mocha,dipala ako mahilig sa kape hehe.
Pagkatapos kong makuha ang mocha ay nagstambay muna ako saglit sa labas ng store at naupo dun sa mesa na nasa labas at kinain din yung dala kong tinapay.
Maya maya lang rin ng maubos kona ang kinakain ay napagdesisyunan kona ring pumasok na sa paaralan.
Maya maya lang rin ng maubos kona ang kinakain ay napagdesisyunan kona ring pumasok na sa paaralan.
Pagpasok ko palang nakarinig na agad ako ng sumigaw at tinawag ang pangalan ko.
"ESMERALDA!" napakunot noong napalingon nalang ako sa tumawag at tinignan ito ng masama.
Amputa lang ambansot talaga pakinggan ng Esmeralda, nung buntis pa raw kasi si mama nabighani daw kasi siya ni Esmeralda yung sa palabas na 'notre dame' kaya ayun ang pinangalan sakin saktong sakto naman raw ako lang ang babae sa magpinsan buti nga walang Princess sa pangalan ko e, oh well.
"Oh?" padarag kong sagot. Lumapit sila ng konti at ngumisi. Sila yung mga hearthrob kuno ng school mga pacool na mukha namang espasol, waw magkarhyme e?
"Wala lang.." sagot ni Derick na ngumise ngisi, ano nanaman trip ng mga to?
"Psh.."
"Wow nice cap peram!" biglang sabi ni Vin sa aroganteng tono at akmang kunin yung cap na suot ko pero syempre agad akong umiwas.
"Hah bili ka ng sayo dude.---Oh may bago nanaman kayong recruit? " natatawa kong Sabi. Mukhang may lahi ito, transferee siguro.
"Anong recruit na sinasabi ng payatot nayan?" rinig kong bulong nung transferee dude. Napantig ang tenga ko sa narinig, anak ng ANONG SABI NIYA? Linapitan ko agad yung transferee at walang pasubaling hinaklot ang collar ng damit nya.
"ANO SABI MO?" sigaw ko.
"Wuy! Wuy! wuy!" rinig kong sigaw nina Glen isa rin sa kasama nina Derick.
"Woah Chill kalang..nagtatanong lang eh." sabi ni transferee dude na natutuwa pa ata. Sasapakin kona sana kaso pilit akong inilalayo ni Derick.
"Oo nga kalma lang ang ikli talaga ng pasensya nito parang jinojoke lang e." umismid lang ako sakanya at tinulak siya palayo.
"Abay talaga Lang, At ikaw! (turo kay transferee dude) Kung bubulong kanalang siguraduhin mong hindi ko rinig. Bwiset!" maangas kong sabi habang tinignan ng masama si transferee dude.Ngumisi siya bigla na ikina ismid ko ulit. Sus sarap bangasan! Umalis nalang ako agad baka kasi di ako makapagpigil eh at matuluyan ko yun badtrip!