“Sino ka?! Ha?!” malakas na turan ni Ramon sa harapan ng Anak. Halos lumabas pa mga ang litid nito sa leeg dahil sa ginawang pagsigaw. Nanlilisik ang mata nitong ipinupukol sa Anak pero nakahilig parin ang ulo sa puting unan dahil sa panaka-nakang pagkirot ng ulo. Bumakas naman ang takot at kaba sa muka ni Alexis. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang itugon dito. Ayaw niyang biglain ito Baka't lalong lumala ang sakit at kalagayan ng ama. Pero sa kabila ng matinding pagpipigil, hindi niya parin maiwasan na ipakilala ang kaniyang sarili. Hindi niya maiwasan na sabihin ang sininisgaw ng kaniyang dibdib. “Pa?! A-ako po si Alexis! A-anak niyo po ako! Pa-papa!” putol-putol niyang giit. Halos magsilakbo ang kaniyang luha sa mata ng bumakas ang pagtataka sa mata nito. Naninikip

