afternoon, ? Office “Alexis!” “Alexis!!” “Alexis!! Bes!!” Sigaw na tawag sakin ng aking kaibigan. Kumaway pa si Sylian sa aking harapan para mapukaw ang aking atensyon. “Bes! Tulala ka, lunch na!!” Nataranta naman ako sa sinabi nito, hindi ko namalayan na tanghalian na dahil sa dami ng iniisip ko. “Ha?! Oo! Lunch na nga!! Tara na kain na tayo.” yaya ko na lang sa kanila para mawala ang pagtataka sa mga muka ng mga ito. Sa pagtayo ko bigla na lang may malakas na tunog na nalikha at para itong nabasag. “Ay! Gagi!! Nabasag yung perfume mo Bes!! Hindi ka kasi nag-iingat.” si Sylian na parang ate sa tinuran nito. “Gurl! Lutang ka? Vanilla & Co yang nabasag mo?! Gaga! Ka!” maarting wika ni Aian. “S-sorry, hindi ko nalagay sa bag ko kanina. Paubos naman na yang pabango ko. A-ako na

