"Ano pong bisita?" Kunot noo niyang tanong. Napakamot ulo pa siya sa pagtataka sapagkat hindi niya talaga alam ang sinasabi nito. "Ano kaba?! Pwede naman ang bisita huwag lang sanang masyadong maingay," ang natatawa na lang na anang nito at napapa ilingiling pa. Umalis na ito sa harap niya at siya ay naiwan na nakatayo lamang duon at nakatulala. Ano ba talaga ang mga kaganapan kagabi? Ano bang nagyari? Nakatingin siya sa kawalan ng siya ay bumaba para sunduin ang kanyang mga kaibigan. Binati siya ng kanyang mga kaibigan at kinamusta ang kanyang tahi Umakyat sila sa kanyang apartment unit at patuloy parin ang pag iisip sa mga bagay bagay na hindi niya ma alala. "BAKLA!! Ano bang nagyayari sa'yo?!!" Bulyawa ni Aian. Kinabig naman ni Sylian ang braso nito bilang pagsaway sa ginawa ng pag

