"Pero itatakas kita dito," ang ani Doktor ng makasakay sila sa kotse. Tuluyan ng nanghina si Ramon ng marinig ang sinabi nito. Nanlata siya sa upuan ng sasakyan ng paandarin na ito ng Doktor. Ang mga bagay na tumatakbo na lang sa kanyang isipan ay ang makita at makasama niya ang kanyang pinakamamahal na Anak. Gagawin niya ang lahat upang makapiling lamang itong muli. Kahit na tumakas pa siya sa matandang doktor na ito ay gagawin niya masilayan lang ang Anak niyang sinisinta. Ang huli niya na lang na nakita bago niya ipahinga ang mata ay ang makinang na pangalan ng kulungan: Maximo OIivares Institute. Ang lugar kung saan siya hinubog, nabuo, naburo at nadurog. Pilit na inalala ni Ramon ang mga kaganapan noong isang araw habang dinadama niya ang katahimikan ng sasakyan. Inaalala yung a

