Dahan dahan pumasok ang binata na tila nasa isang horror movie. Maingat na maingat ang kanyang paglalakad na para bang isa siyang magnanakaw. Ayaw niyang makagawa ng kahit na anong ingay. Nakapasok na siya ng tuluyan at alerto niyang kinapa ang pindutan ng ilaw. Bago paman niya matuloy na pindutin ay may lumabas na mula sa kwartong tinutulugan niya. Nanlaki ang mata niya ng dumako ito sa may bandang liwanag ng bintana. 'Ano ang ginagawa niya rito?' Ang unang tanong na pumasok sa isip ni Alexis. Hindi siya makapaniwala sa nasa harapan niya. Malaking bulto ng lalaki. Matangkad at makisig ang katawan. Para bang isang kabalyero noong unang panahon. "D—d—daddy…" uutal-utal na saad ni Alexis. Humakbang pa ito palapit sa kanyang harapan hanggang sa buong mukha na nito ang kanyang naaninag

