Walang nagawa si Cloud kung hindi suminghay at itago ang telepono. Hindi rin naman nagtagal ay dumating ang mga in-order ng boss. Canape bilang appetizer, seafood oriental o yung mga pinaghalo halong seafood para sa main dish nila at saka yung wine nito. Agad na tumagay ang boss niya ng wine. Naghihingi pa nga si Cloud pero nilisikan lang ni Ralph ito, ito ay natigil na lang. Pinakuha na siya ng boss niya ng pagkain matapos nilang maubos ng appetizer. Nang medyo mauubos na ang kanilang main dish ay napa buntong hininga si Ralph. Mukang may gustong sabihin ito pero hindi nito masabi kaya tumagay na lang ito ng wine hanggang sa maubos nito ang isang bote. "Walang meeting na nangyari dahil sa'yo," pagdadabog ni Ralph. Binigyan ng masamang titig ang kapatid bago tumayo at tanggalin ang ta

