"Puntahan mo na si Carlo. Parang lasing yata ang lokong yun." Nagkumahog na siyang umakyat. Nang nasa tapat na siya ng pinto ni Carlo ay hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kakatok ba siya o papasok na lang? Napagdesisyunan niyang sumilip muna sa bintang nakabukas bahagya. Natanaw niya si Carlo sa kusina at naka yupyop sa lamesa. Pinihit niya ang seradura. Bumasag sa katahimikan ang pag ingit ng pinto. Napukaw tuloy nuon ang atensyon ni Carlo kaya ito ay nag angat ng tingin. Tila ba lumiwanag ang mukha nito at mabilis na lumapit sa kanya kahit na bahagyang pasuray suray. "Alexis, na miss kita," anito at niyakap siya ng pagkahigpit na ani mo'y matagal silang hindi nagkita. "Saan kaba galing? Ilang oras akong naghintay sa'yo. Umakyat pa nga ako sa opisina mo kaso sabi noong Kim wal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


