One
10 Years later,,,
Napasandal siya sa kanyang swivel chair at marahang pinaikot ikot ang upuan mula sa pagkakaupo, ilang oras na siyang nakaharap sa laptop niya kaya sumasakit na ang ulo at likod niya, nakakaramdam narin siya ng gutom, ayaw niyang mag-paawat sa pagtatrabaho. Kadarating lang nila galing states at wala pang isang araw ang ipinahinga niya ay agad na siyang dumiretso sa bagong office nila. Marami pa siyang ichecheck na mga documents at sasaguting emails regarding sa proposals ng mga clients nila, bukod pa dun ay ayaw niyang biguin ang binata habang nasa business trip ito ay siya ang humahalili sa kumpanya kaya naman ayaw niyang may pumalpak pagdating sa trabaho.
Inikot niya muli ang upuan paharap sa glass na pader kung saan tanaw ang naglalakihang mga building. Makalipas ng ilang taon muli rin pala siyang magbabalik sa lugar na ito, sa lugar kung saan dinurog ng husto ang bata niyang puso. Bahagya pa siyang napangiti nang bumalik sa alaala niya ang nakaraan muli nagflash back sa isip niya ang imaheng mukha ng binata agad umahon ang kakaibang kaba sa dibdib niya,,ang ngiti sa kanyang labi ay agad na nawala at napalitan ng kalungkutan. Napabuntong hininga nalamang siya at sandaling nagmuni-muni,
"Enjoying the view?",
Napalingon siya sa biglang nagsalita mula sa likuran niya, agad siyang napangiti ng makita ang binata at napatayo patungo sa gawi nito
"Hey?, kailan kapa dumating ?",
"Hmm, an hour ago? dumaan ako sa condo mo to make you surprise pero wala ka, kaya dumiretso na ko dito and to treat you a lunch it almost late sabi ko na late kana namang kakain", diretsong wika nito kaya natawa nalang siya, nang napasulyap naman siya sa wall clock past one narin pala, hindi niya namalayan ang oras kakatutok sa monitor. Nakaugalian narin talaga nito ang laging magpaalala sa kanyang kumain.
"Akala ko ay next day pa ang dating mo, looked hindi pa totally complete ang proportions and stuffs ng office mo", aniya dito habang iniikot ang tingin sa paligid, expect niya pa naman na bago ito dumating ay kumpleto na ang lahat.
"Don't worry about that, marami pang oras at araw. You should relax, Oh it's time, Let's go?”nakangiting aya nito sa kanya kaya napangiti nalang siya at tumango. Sabay na silang lumabas ng kanilang Office.
That was Harry Steve, ang binata na nakilala niya 10 years ago sa Makati, she was 19 years old back then at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang Manufacturing Corporation bilang isang Personal Assistant. Habang papalabas ng floor ay muling bumalik sa ala-ala niya ang pagkikita nila noon.
Habang papasok siya sa loob ng Rcbc Plaza ay dalawang lalaki ang nakasuot ng tuxedong itim ang kakaiba ang tingin sa kanya, salitan ang tingin na pinupukol nito sa kanya at sa hawak hawak nitong papel na tila larawan ng babae. Binundol na siya ng kaba ng maalala ang mga masasamang lalaki nung nakaraang araw kaya mas lalo niya pang binilisan ang paghakbang, nung nakaraang linggo lang ay ilang kalalakihan ang humabol sa kanila ng nakilala matapos niyang tulungan ang isang matanda, ganito naba ka delikado ang lugar na toh? isip isip niya.
Napansin nito ang pagmamadali niya at pagtakbo kaya napatakbo narin ang mga ito pahabol sa kanya, halos mapaiyak na siya sa takot ng paglingon niya ay hindi lang dalawa ang humahabol ngayon sa kanya kundi tatlo na kaya mas lalo niya pang binilisan. Isa sa napansin niyang humahabol sa kanya ay isang mistisong binatilyo na naka coat din na itim, hindi siya makahingi ng saklolo sa mga guard kaya dali dali siyang pumasok sa building nila. Pinindot niya agad ang up button ng elevator, ngunit nasa third floor palang ito, abot abot na ang kaba niya
"Bilis!!!,, bilisss!!!!",
*Ting*
Pagbukas ng elevator ay madali siyang pumasok sa loob at pinindot ang close button, ngunit nanlaki ang mga mata niya ng nakapasok na ang mga ito sa loob ng building at pasunod na sa kanya, pwersahan niyang pinindot ang close button ngunit ng magsara ito ay biglang humarang ang braso ng isa sa mga humahabol sa kanya,, napasigaw siya,,
"Ahhh!!!!, wag po,, wag niyo kong sasaktan", nakapikit niyang saad habang nakasiksik sa dulo ng elevator, naluluha narin siya sa sobrang kaba at takot,,
Narinig niya pa ang hinahapong lalaki sa harapan niya na mataman lang nakatitig sa kanya,
"Hey Miss, hindi kita sasaktan", hinihingal na wika nito, nagtatakang napasulyap naman siya dito at tinitigang maigi ang mukha ng binata. Malayo ang mukha nito sa mga lalaking humahabol sa kanya kamakailan lang, hindi ito mukang masamang tao pero nagtataka parin kung ano ang kailangan nito sa kanya. Tuluyan namang humakbang ito papasok sa loob ng elevator, nagitla pa siya ng pindutin nito ang 20th floor. Napasiksik lang ulit siya sa dulo, hindi na nakahabol ang dalawa pang kasama nito ng tuluyang nagsara ang elevator.
"P-Pero bakit hinahabol niyo ko? anong kailangan niyo sakin" halos mamiyok na saad niya,kahit pa maamo ang mukha nito ay wala parin siyang tiwala.
"Matagal kana naming hinahanap, remember the old lady na tinulungan mo sa masasamang loob na mga lalaki?, she want to see you,, my granny wanted to see you Clara",
"Ah hah??, si lola?? lola mo siya??", gulat na saad niya kaya napatango lang ito, sandali pa siyang natulala dito at muli niya naalala ang matanda nung nakaraang linggo na tinulungan niya sa mga tarantadong lalaki.
"I'm Harry Steve, and my granny wanted to see you again,will you come with me Clara?" may halong paki-usap ng tinig nito sabay abot ng palad nito sa kanya, hindi niya agad tinanggap iyon dahil nabibigla padin siya sa pangyayari pero kalaunan ay nakapag usap naman sila nito ng maayos at unti unti ng napanatag ang kalooban niya na hindi ito masamang tao. Simula ng araw na yun ay naging magkakilala at magkaibigan na sila ni Harry, madalas din ang pagbisita niya sa Lola nito na nakaconfine sa Makati Medical na malapit langdin sa pinagtatrabahuan niya.
"Dadalawin ulit kita bukas La, mauna na po muna ako hah? ",
"Mag-iingat ka Clara, babalik ka bukas hah,, hihintayin kita", magiliw na wika naman nito habang pinipisil pa ang isang kamay niya kaya nginitian niya ito at tumango bago nagpaalam, may alzheimer's desease ito at tanging ang apong si Clara lamang ang laging bukang bibig nito. Sa pag-aakalang siya iyon ay napalapit ng husto ang loob ng matanda sa kanya at ang nais lang nito ay lagi siyang makita. sabik siya sa kanyang lola kaya naman napalapit narin loob niya , hindi na niya kase nadatnang buhay noon ang naghihintay sa niyang lola.
***
Pagbukas ng elevator ay nabalik siya sa realidad nasa ground floor na pala sila, inakay naman ng binata ang braso niya palabas ng lobby.
"Wait me here", saad nito bago nagtungo sa parking area, tumango lang siya at inikot ang tingin sa paligid iniisip niya kung ano kayang pagkain ang masarap nilang kainin ng binata ramdam narin niya ang gutom, ngunit habang naghihintay sa binata isang pamilyar na mukha ang nakita niya na naglalakad papunta sa gawi niya, bahagya pa siyang napakurap ng makilala ang kabuuan nito. Tila napako siya sa kinatatayuan habang nakatitig dito,
Diego??!,
piping sigaw ng isip niya, bigla bumilis ang t***k ng kanyang dibdib sa kabilang dako ang tingin nito kaya hindi agad siya nakita kaya bago pa magawi ang tingin nito sa kanya ay mabilis na siyang tumalikod at bago pa man ito makalapit sa direksyon niya ay agad na siyang umalis para makaiwas dito, hindi niya akalain na makita ito dito. Hindi parin nagbabago ang taglay na kagwapuhan nito kahit seryoso ang mukha, ang dating maliit na katawan nito ay lalo ngayon kumisig. Ganito parin pala kalakas ang dating nito sa kanya kahit ilang taon na ang hindi nila pagkikita. May kung anong bagay na nagwawala sa kalooban niya ngayong muli niya itong nakita,, Makalipas ang ilang taon ay nagbalik narin pala ito buong akala niya ay tuluyan na itong nanirahan sa ibang bansa.
Tunog ng busina ang nagpakilos sa kanya papunta sa naghihintay na sasakyan, mabilis siyang kumilos para makasakay na sa loob nito.
Natigilan naman siya sa paglakad at mabilis na lumingon, nakita niya ang mabilis na pagsakay ng isang babae sa loob ng sasakyan,
"Clara??" kunot noong sambit niya sa babae ngunit mabilis ng nakaalis ang sinasakyan nito, hindi siya pwedeng magkamali dahil kilalang kilala niya ang bulto ng katawan nito at ang maamo nitong mukha.
Napahinga pa siya ng malalim at nagpatuloy na sa paghakbang, kahit kailan ay hindi niya ito nagawang kalimutan, ito ang naging inspirasyon niya upang matapos niya sa States ang kurso niyang Medisina. At ngayong natupad na niya ang pangarap ng kanyang pamilya sa kanya ay gagawin niya naman ang ninanais ng kanyang puso. Wala siyang ibang nais kundi ang magkaroon ulit ng ugnayan sa dalaga.
Flashback//
Kasalukuyan silang nasa loob ng elevator ng pagbukas nito sa Ground floor ay isang babae ang humahangos na pumasok, napakapit pa ito sa hawakan ng elevator habang sapo sapo ang dibdib dahil sa hingal na hingal tila malayo ang tinakbo nito. Magulo din ang ayos ng buhok nito at pawisan pero agad siyang naattract sa natural na ganda nito, namumula mula pa ang pisngi nito marahil ng galing ito sa initan.
"Clara?" tawag ng Lolo niya kaya napamaang siya, kilala pala ito ng matanda, nang mapatingin ito sakanila ay tarantang napayuko pa ito,
"Ay, good afternoon po sir",
"Saan ka galing?", muling tanong ng Lolo niya habang siya ay pinagmamasdan lang ang reaksyon ng dalaga,
"Ah dun lang po sa bangko sir, nagpa update po si Mam ng mga passbook",
Tumango naman ang matanda, nang magbukas ang elevator sa 16th floor ay pinauna sila nito na lumabas at nagpahuli ito sa paglakad marahil ay nahihiya sumabay sa kanila. Mukang naiilang ito kaya bahagya niyang nilingon,nang paliko na sila sa pasilyo ay nakita niya itong kumanan, marahil ay nag CR, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang na amuse sa dalaga. Attractive siya dito, kumbaga love at first sight.
Hinintay niya na makabalik ito sa loob ng office, hindi siya mapakali sa kinauupuan at hindi rin alam kung bakit atat na agad ito na makita siya. Ilang sandali ay bumukas ang pinto, automatic na lumingon agad siya doon, lumundag pa ang puso niya ng makita ang padating ngdalaga, mahinhin itong kumilos papasok ng loob habang sinasara ng marahan ang pinto. Agad itong nagtungo sa cubicle office ng Tita Sharon niya, hindi naman ito nagtagal at lumabas din doon at dire diretso ito sa pantry. Hindi rin nito naramdaman ang pagmamasid niya dito.
"Andyan kana pala Clara, kumain kana may tinira pa kami dyang ulam", wika ng isa niyang kasamahan
"Salamat", tipid nitong sagot
Napag-alaman niyang Personal/Admin Assistant ito ng Tiyahin at bigla siyang nagkaroon ng interes sa dito. Tumayo siya at nagtungo sa cubicle ng Tiyahin
"Yes, Dieg?",
"Tita, nagkaron kase ng problem sa atm savings account ko and dun ko daw dadalhin sa bandang paseo?"
"Paseo De Roxas?"
"Yes, but I don't know the way papunta dun",
"Uhmm, okay, asked Clara kung hindi siya busy magpasama ka sa kanya she know papuntang Paseo",
"Yes!," galak na saad niya ng mapasulyap sa kanya ang tiyahin
"I mean Yes, magagamit ko narin ang atm ko", nakangising saad niya at nagtungo sa pwesto ng dalaga, ang bilis naman pala nito kumaen at nagpapahinga na sandali sa lamesa niya. Kinakabahan na lumapit siya dito,hindi maibsan ang excitement na nararamdaman niya,
"Hi??"
Nagtatakang napatingin siya sa pagsulpot ng binatang Apo ng boss nila, nahihiya na yumuko siya dito, kanina lang ay kasabay niya ito sa elevator kaya sobrang nahihiya siya tapos ang itsura niya pa ay di maipinta. Pawisang mukha at gulo gulong buhok
“Po Sir??”
bigla naman napangiti ito, napakurap siya mas lalo pala itong nagwapo pag ngumingiti malayo sa ugali ng ama nito na laging mainit ang ulo at naka busangot.
"I think magkasing edad lang tayo so wag mo na kong i "Po", anito,
"Ahhh, ehhh,, b-bakit Sirr?" naiilang niyang saad dito, ano kayang kailangan nito sa kanya?
"Tita Sharon said if hindi ka busy pwede mo ko samahan sa bandang Paseo, dun kase ang branch ng Atm savings ko",
"Ahhh, s-sige po. Kelan po ba?"
"Now na?" amuse na sagot naman ito, bigla siya nataranta ngayon na agad? kakapahinga niya palang galing sa malayong lakaran.
"Ngayon po?", ulit niya, agad agad?
"Yes, I'll wait you at the lobby", sabi lang nito at mabilis ng humakbang paalis, napakunot noo naman siya, hindi pa nga siya nakakapagpahinga ng matagal eh lalakad na naman. Napabuntong hininga nalang siya at nagtungo munang banyo para mag toothbrush at mag ayos ng sarili.
Pambihirang buhay naman toh oh, mukang nadagdagan ang magiging Amo ko,,, isip isip niya habang nagtotoothbrush, binilisan na niya dahil baka mainip pa ito. Anak pa man din ito ng masungit niya ring Amo,
"Mam?",
nagtungo pa siya sandali sa kanyang Amo bago lumabas,
"Yes Clara?, aalis naba kayo ni Dieg?", marahan naman siyang tumango,
"Okay, ibili mo narin ako ng gamot sa Mercury, itext ko nalang sayo",
"Sige po", aniya at lumabas na.
Nakita niya naman na naghihintay ito sa may lobby ng office, tahimik na lumapit naman siya dito, naramdaman naman nito ang presensya niya kaya napangiti ito, bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkahiya dito, ang porma ng pananamit nito habang siya mukang basahan.
"Let's go",
Pinauna niya lang ito maglakad hindi niya alam kung pano sasabayan ito, hanggang sa makalabas sila ng building. Nasa kabilang street na sila ng huminto ito sa paglakad naumpog tuloy siya sa matigas na likod nito,
"Ahray," aniya sapo sapo ang noo agad naman humarap ito sa kanya na mukhang nag alala habang nakahawak siya sa noo niya
"Oops, sorry masakit ba? bakit kase nasa likuran ka. Pwede ka naman sumabay sakin ng lakad", anito, akmang titingnan nito ang noo niya ng agad siyang umiwas, bigla tuloy siyang kinabahan sa paglapit nito sa kanya.
“Hindi Okay na Sir, hindi naman masakit”,
“You sure?”
“O-Opo”, aniya kaya napatango nalang din ito, parang dumikit pa sa ilong niya ang amoy ng pabango nito dahil nalalanghap niya. Amoy mayaman,, ganun na lang ang ginawa niya ang sumabay sa lakas nito. Sobrang awkward sa pakiramdam dahil first time niyang makasama ito habang ito naman ay tila nag eenjoy lang.
"Matagal kanabang employee ng company?", maya-maya'y saad nito, nababagalan siya sa paglakad nito mukang aabutan pa ata sila ng kalahating oras bago makarating ng Paseo,
"One year po",
"Po again? I told you magkasing edad lang tayo. I'm only 19",
Napakamot ulo nalang siya at umiling, magkaedad nga lang sila pero pano nito nalaman? napangiti lang naman ito. Namamangha tuloy siya sa mapuputi at pantay pantay nitong ngipin
"By the way magpapakilala ulit ako, I'm Diego Villafuerte, you know my father right?", tumango naman siya sinong di makakakilala sa tatay nitong ubod ng sungit?, kantyawan nga ito sa loob ng office dahil sa ugali nito, kahit siya ay ayaw niya sa ugali ng ama nito, kahit hindi niya ba naman kasalanan siya iyong pagagalitan, tulad nalang ng maputulan ito ng landline sa telepono at sa meralco.
Tumawag ito sa kanya para pagalitan siya dahil naputulan daw ito,binulyawan pa siya kung bakit hindi nakabayad e wala naman itong inaabot na billing, nasabihan pa siya nito ng t*nga one time na hindi niya talaga makalimutan. Di niya namalayan na napasimangot na siya tuwing naaalala yun,
"hey, tingin ko hindi naging maganda ang impression mo kay Dad", biglang saad nito na natatawa pa, napansin ata nito ang pagsimangot niya
"Ah eh, hehe. hindi naman Sir. Mabait po ang Daddy niyo", labas sa ilong na saad niya, alangan naman kaseng sabihin niya dito kung gano kagaspang ang ugali ng ama neto noh? edi nasumbong pa siya at natanggal,
"Ayun malapit na tayo",
"Hah?, akala ko ba hindi mo alam ang papunta sa branch?", nagtatakang wika niya dito, bigla naman itong natawa kaya nakita niya na naman ang magandang mata nito pag ngumingiti at ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin, pwede na itong maging model ng tooth paste, napakurap siya bat niya ba yun napapansin?
"Actually alam ko naman talaga ang way, ang boring kase maglakad mag isa kaya naisipan ko ng ibang makakasama",
Napamaang nalang siya sa sinaad nito, ginawa lang pala siyang props nito. Edi sana andun nalang siya sa loob ng office nalamigan pa siya.
"Wait me here," anito at sandaling pumasok dun sa loob ng building, nagpaiwan nalang siya sa may lobby area at hinintay ito.
Isang oras na naman ang nasayang niya dahil dito, pupunta pa nga pala siyang Mercury para bumili ng gamot ng amo niya.