Kinabukasan tinanghali siya ng gising, kaya naabutan na siya ng liwanag habang nag-aabang ng Bus sa kanto, hindi siya masyado nakatulog sa kakaisip kung bakit ang weird kagabi ng amo niyang binata. Wala pa masyadong dumadaan na bus pa Ayala kaya tahimik lang siyang nag-aabang, inaantok pa siya at panay ang hikab niya,
Nagitla pa siya ng may biglang bumusina sa harap niya, isang itim na Van ang papalapit ngayon sa gawi niya, napakunot noo siya ng bigla itong tumigil sa harapan niya at bigla nagbukas ng pinto. Nawala ang antok niya sa pag-aakalang masasamang loob ito na balak siyang kidnapin, tatakbo na sana siya ng makita niya ang pamilyar na tao na sakay nito sa loob,
"Clara"
"S-Sir Harry?"
"It's Harry,",
"Ay sorry, Harry pala", kamot ulong saad niya, nakahinga rin siya ng maluwag na ito lang pala ang sakay ng Van.
"Papasok kanaba? sumabay kana samin"
"P-Po?"
"Matatagalan pa ang daan ng bus at baka tuluyan ka ng ma late kaya sumabay kana," ani pa nito, hindi na siya nagdalawang isip pa at sumunod nalang sa sinabi nito,
"S-Salamat Harry, buti nalang pala napadaan kayo dito",
"Dumaan talaga kami dito Mam Clara" biglang wika naman ng Driver sa unahan,
"Hah?"
"Actually may naiwan ka kase kagabi Clara," saad ng binata sabay abot ng phone niya
"Ah, onga kagabi ko pa ito hinahanap eh salamat sir ah, ay Harry pala", napangiti lang sa kanya ang binata, ioopen niya sana ito pero lowbat na. Gusto niya sanang imessage ang binata kung nakauwi ba ito ng ligtas,
"Here", sabay abot nito ng power bank
"Ah, S-salamat Sir",
Hindi na siya nag-atubili at ginamit na ang binigay nitong power bank, ngumiti lang ito at kalmado lang na nakaupo. Ilang sandali pa ang hinintay niya para tuluyang gumana ang cellphone niya.
***
Napakunot noo siya ng biglang nawala ang hinihintay niyang dalaga mula sa kinatatayuan nito.
"Saan nagpunta yun?"
Agad niyang dinialled ang number nito ngunit out of coverage parin.
"Hays naman!!!",
Bugnot niyang saad, magdamag siyang naghintay dito upang sabay na sana silang pumasok pero bigla naman itong nawala. Nung may humarang na itim na Van malapit dun sa dalaga ay nawala na agad ito, napabuga nalang siya ng hangin at pinaandar na ang makina ng sasakyan.
Habang nasa byahe ay dinadialled niya parin ang number nito, naiinis na siya kung bakit hindi niya parin ito makontak. Masakit narin ang ulo niya hindi niya maintindihan ang nararamdaman kung bakit nagkakaganito siya. Pero nitong mga nakaraang araw lang hindi na mawala sa isip niya ang dalaga,lagi itong sumasagi sa isip niya at gusto niyang lagi na makita at makasama ito.
Hindi niya alam pero sa tingin niya ay unti unti na niyang nagugustuhan ang dalaga. Blangko ang isip niya hanggang sa makarating siya sa building nila, papasok na sana siya sa parking area ng may itim na Van na nasa unahan niya, nahagip agad ng tingin niya ang pamilyar na pigura ng babae na kakababa lang ng Van, mabilis na kumabog ang dibdib niya,,
"Clara!", sigaw ng isip niya, kasunod nitong bumaba ng Van ang isang matangkad at maputing lalaki na nakasuot ng Business Attire, nagtatanong ang isip niya kung sino at ano ito ng dalaga, nag ngitian pa ang mga ito at may inabot pang supot ng Mcdo ang lalaki dito, lalo uminit ang nararamdaman niya na parang gusto niyang sumabog.
Kumaway pa ito sa papalayong sasakyan, ang Van na yun ang nakita niya kanina, hindi niya akalain na bukod sa kanya ay may iba pang kakilala ang dalaga. Napansin niyang pumasok na ito sa loob ng lobby kaya dali dali na siyang nagtungo sa parking area.
***
Nakangiti siya habang bitbit ang bigay na almusal ng binata, hindi lang siya nakalibre ng pamasahe kundi pati ng almusal. Dadaan nalang ulit siya mamaya sa Hospital para bisitahin ang matanda dahil inaasahan nito na pupunta siya. Napabilis din ang byahe niya at may oras pa siya para kumaen ng almusal.
Pagpasok niya sa loob ng Opisina ay naroon narin ang kanyang mga kasama,
"Goodmorning,"
"Goodmorning, anong almusal naten?" bungad sakanya ng Mam Bebs niya
"Chicken sandwich, tara kaen tayo Mam Bebs medyo marami toh tapos meron ding Hot Choc-"
*Blaggg!!!*
Nagulat sila sa biglang pagbalibag ng pinto, sabay sabay silang natameme ng makita ang pagdating ng Among Binata, maging siya ay natulala ng makita ito na agad dumiretso sa Opisina ng Daddy nito. Mukhang beast mode ito at masama ang timpla, isa isa namang nagsibalikan ang mga kasama niya sa mga pwesto nito. Natatawa naman na sumenyas sa kanya ang Mam Bebs niya napakibit balikat lang siya.
Bumalik narin siya sa kanyang pwesto bitbit ang almusal niya, wala siyang ideya kung bakit masama ang timpla nito, baka siguro may nangyari ulit. Agad niya inopen ang cellphone niya, nanlaki ang mata niya ng makita sa notification niya ang maraming missed calls at messages nito. Bigla siyang binundol ng kaba, hindi kaya isa sa dahilan ng pagkabadtrip nito ay siya??
Tatanggalin na kaya siya nito sa trabaho niya dahil palpak siya? isipin na nagpunta pa ito sa lugar niya dis oras ng gabi???,, Napailing nalang siya, agad siyang nagcomposed ng message para dito ngunit bigla naman siyang nakatanggap ng message galing dito.
BUY ME FOOD.
Yun lang ang laman ng message nito, wala namang sinabi kung anong pagkain.
Ano pong gusto niyong almusal Sir? reply niya dito.
Ilang sandali siyang nag abang ng response nito.
KAHIT ANO.
Napakurap siya, anong pagkain kaya ang may pangalan na Kahit ano??
"Ayyy, bahala na nga", aniya at tumayo, sumenyas lang siya sa Mam niya na bababa siya. Susundin niya nalang ang utos nito at baka madamay pa siya sa trip nito. Muli pa siyang nakatanggap ng message galing dito.
FASTER.
"Nak ng tokneneng ka naman Sir!" isip isip niya at imbes na maghintay ng elevator pababa ay naghagdan na lang siya, di niya akalain na ganito pala ito pag badmood.
Wala siyang choice kundi ang bilhan nalang ito ng pagkain sa Jollibee, shanghai with egg at hot choco. Dali dali siyang bumalik ng makuha ang order, halos tahimik at busy ang kanyang mga kasama pagkapasok niya, ramdam din ng mga ito ang itim na aura sa paligid.
Marahan siyang kumatok bago pumasok sa loob, nakaupo ito ng nakatalikod sa swivel chair,
"I-Ito napo Sir, wala po akong ibang maisip na kahit anong breakfast eh," aniya, bigla naman umikot ito paharap sa kanya, halos hindi niya ito matingnan ng diretso
"Bakit hindi mo alam ang gusto ko?"
"P-Po?"
Ginalaw naman nito ang binili niya,
"Hindi ako kumakaen ng Shanghai at lalong hindi ako umiinom ng Hot Choco,",
"Ah sige po papalitan ko nalang", aniya sabay kuha nito, agad siyang lumabas bitbit ang binili,, ngunit bumalik din siya agad dito para tanungin ito kung ano ba talaga ang gusto,,
"Sir Diego ano po bang gusto niyo??",
"Kahit ano." walang emosyong sagot nito, napamaang lang siya dito, gusto na niyang sabunutan ang sarili sa kahit ano na sinasabi nito.
"San ko po mabibili yung pagkain na Kahit ano?", aniya, bigla naman itong napatingin sa kanya, sandali silang nagkatitigan sa huli siya din ang nag iwas ng tingin, nagtataka na talaga siya sa kinikilos nito.
"Braised Pork sa Peppy Olive",
"O-Okay po",
Agad na siyang umalis pagkasabi nito, un pala ang gusto pinahirapan pa siya, dali dali na siyang nagtungo sa kabilang building para bilhin ang gusto nito pagkain. Ilang minuto lang siyang naghintay at bitbit na niya ang pagkain nito, pakalapag niya sa table nito ay inusisa naman agad nito ang dala niya
"Kulang ng side dish, gusto ko yung tomato and cucumber salad", wika nito
"Sige Sir",
Bumaba ulit siya para bilhin ang kulang sa utos nito, may side dish pa pala bat hindi agad sa kanya sinabi, lakas din talaga nito mag joke pag badtrip. Naghintay ulit siya ng ilang minuto para sa request nito, agang aga hinahapo na siya sa utos palang nito,
"Eto na sir",
"Black Coffee",
Pagkasabi nun ay lumabas ulit siya at nagtungo sa pantry para gawan ito ng kape.
"Badtrip amo mo ah, akala ko ba mabait?" nanunuksong wika ni Mam Bebs ng makasalubong niya ito, napakibit balikat lang siya, mabait naman talaga ito marahil may nangyari lang.
"Hatiran ko lang po ng kape",
Tahimik ulit siyang bumalik sa office nito bitbit ang kape na hinanda niya, naiilang siya sa inaakto nito kaya pagkalapag niya ng kape nito ay agad din siyang umalis.
Kakaupo niya palang sa pwesto niya ng makatanggap naman siya ng message sa amo niyang babae. May inuutos ito na kailangan niyang pick upin ang inorder nitong mga gamot. Uminom lang siya sandali ng tubig at bumaba na. Maigi rin yun at makakaiwas na siya sa badrip ng isang amo baka sakaling pag balik niya ay maging okay na ang mood nito.
***
Tinitigan niya lang ang mga pagkaing nakahanda sa mesa, wala siyang ganang galawin ni isa sa mga ito, bukod sa kape na unti unti niyang hinihigop, sakto lang ito sa tamis at nagustuhan niya ang lasa. Hindi niya naman gustong pahirapan ang dalaga pero mabigat parin ang dibdib niya.
Nang maubos niya ang kape ay tumayo siya sandali upang silipin kung ano ang ginagawa nito, abala ang ibang empleyado sa kani kanilang mga pwesto pero hindi niya makita ang dalaga sa pwesto nito, di siya mapakali kaya lumapit na siya sa table nito. Napansin niya doon ang supot ng Mcdo,
"Tsk!",
Agad niya yung dinampot at pasimple na tinapon sa trash can, hindi dapat ito tumatanggap ng pagkain mula sa ibang tao. At un ang isa sa kinaiinisan niya, ilang minuto na ang lumipas pero wala parin ito kaya hindi na siya nakatiis. Dinialled niya ulit ang number nito pero nag riring lang at hindi sumasagot. Muli siyang bumalik sa pwesto nito, doon niya napansin ang phone nito na naiwan. Bakit ba ang hilig nito mag iwan ng telepono??
"Mam Bebs san nagpunta si Clara?", tanong niya sa Ginang, ito ang alam niyang ka close ng dalaga,
"Lumabas Sir, may inutos sa kanya si Mam Sha",
Pagkasabi nito ay agad narin siyang bumaba, hindi naba natatakot itong lumabas ng mag isa?, malalaki ang hakbang ng lumabas siya ng building, hindi niya alam kung saan ito pupuntahan pero naglakad lakad nalang siya at baka makasalubong niya rin ito.
***
Nakabalik siya ng opisina sakto alas dose na, naduduling narin siya sa gutom. Maigi nalang at may naiwan siyang pagkain sa lamesa pero nagulat siya ng matagpuan ito sa trash can. Sino namang baliw ang gagawa nun sa pagkain niya diba?, Imposible naman na yung mga kasama niya, napabuntong hininga nalang siya at kinuha ang sling bag niya.
Bibili nalang siya ng pagkain sa labas, wala na siyang ibang maisip na kainin, gusto niya lang ay malagyan ng pagkain ang kumakalam niyang sikmura. Patawid na sana siya ng biglang mandilim ang paningin niya, nagulat nalang siya ng may humila sa braso niya kasabay ng paglampas ng isang rumaragasang sasakyan.
"Clara!, ano bang ginagawa mo muntik ka ng masagasaan oh!"
"S-Sir Diego, kayo po pala",
Nanlalabo man ang paningin niya naaaninag niya parin ang itchura nito, hindi na kaya masama ang timpla nito?
"Okay kalang ba?"
"O-Oo Sir, diko lang napansin yung,, yung sasakyan",
"San ang punta mo? Lunch time na ah?"
"Maghahanap po ng makakain, may nagtapon kase nung pagkain ko", aniya, sandali namang natigilan ito,,
"Uhm, tara sabayan mo nakong mag Lunch",
"Hah?",
"Gusto kong kumain ngayon sa bonchon kaya samahan mo ko, tara na", saad naman nito at hinila na ang kamay niya.
Walking distance lang naman ang Restaurant na tinutukoy nito kaya nakarating agad sila dun, hindi na siya nakareak pa dahil gutom na gutom narin talaga siya.
"Ibawas niyo nalang sa sahod ko Sir" aniya dito ng mailagay sa table nila ang pagkain, masyadong marami kase ang inorder nito samantalang dalawa lang naman sila
"Its's my treat, may kasalanan kase ko sayo kanina",
"Hah?"
"Ako ang nagtapon ng Mcdo mo" saad nito habang kumakagat ng Chicken
"Sabi ko na eh",
"Hhm? alam mo?"
"Wala namang ibang gagawa nun Sir, at kayo lang ang beast mode sa office", napasimangot naman ito,
"Hindi maganda sa kalusugan ang pagkain ng ganon lalo pag galing sa ibang tao",
"Ano sir?"
"Wala kumain ka lang"
"Pero wag mo ng uulitin yun Sir ah, sayang yung pagkain. Marami ang nagugutom at hindi nakakakain ngayon", wika niya pa, mukha namang nawala na ang badtrip nito eh
"Makakain na un ngayon ng mga pulubi,"
Inungusan niya na lang ito, palibhasa mayaman kaya walang pakialam sa hirap ng buhay.
"Bakit ka beast mode Sir? natakot tuloy yung ibang empleyado sayo kanina, pati nga ko natakot na sayo" pag-iiba niya,, napatitig naman tuloy ito sa kanya,
"Hindi mo alam ang dahilan?"
"Hah? hindi po?" aniya, malay niya ba sa kinagagalit nito, pati tuloy yung pagkain niya nadamay,,
"Tsk",
Muli itong napasimangot at nagpatuloy lang sa pagkain kaya hinayaan niya nalang baka bigla na naman mag beast mode ito at malagot pa siya.
"Masama lang ang pakiramdam ko kanina, at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin", maya maya'y saad nito
"Hah? may sakit ka Sir?"
"Nagsisimula na nga yata akong magkasakit", dugtong pa nito habang seryosong nakatitig sa kanya
"Naku Sir mahirap yan, magpatingin kana para mabigyan ka ng gamot",
"Sa tingin mo may gamot dito sa nararamdaman ko?"
"Oo naman Sir, ano po bang nararamdaman niyo?" natigilan naman ito at sandaling binitawan ang hawak na kubyertos
"Hindi mo makuha ang sinasabi ko",
"Hah?" takang saad niya
"Kumaen kana nga lang",
Napakibit balikat nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain, masyado siyang nagutom sa pag akyat baba. Napangiti nalang siya ng mapasulyap sa binata na seryosong kumakain, buti nalang at hindi na ito mukhang badtrip, mas ginanahan tuloy siyang kumain.