Maghapon na naging lutang ang isip niya habang nasa trabaho, pero nakapagdesisyon na siya. Hindi siya tatalikod sa kanyang pinangako sa binata. Kaya niya namang maghintay kahit gano katagal para dito, kaya niya parin naman magtiis para maiahon sa hirap ang pamilya.
Ayaw niyang masaktan at biguin ang pinangako sa binata, naniniwala siya sa kakayahan nito at pagdating ng araw parehas na nilang nakamit ang mga pangarap nila.
Nag uuwian na ang mga kasama niya ng makabalik sa katinuan ang pag iisip niya. Agad narin siyang napakilos para ioff ang computer. Bitbit na niya ang bag niya palabas ng makatanggap siya ng text message sa kasintahan.
Kamusta kaya ang naging exam nito??
Sana maayos nitong nasagutan lahat, sasabihin niya nalang dito ang nangyare ngayong araw upang hindi ito magalit sa kanya. Pero tingin niya magagalit talaga ito eh.
Let's talk.
Sabi ng message nito. Nagtataka naman siya habang papalabas ng opisina.pero parang nakukutuban na niya
Rooftop.
Muling saad sa mensahe nito, bigla siyang binundol ng kaba hindi kaya alam na nito na nakipagkita siya kay Harry???
Nagmamadali na nagtungo siya sa elevator at preness ang up botton. Binundol na siya ng kaba, tiyak galit ito, sa way ng pagtext nito alam niya galit ito. Ilang sandali pa bago nagbukas ang elevator pataas, kinakabahan na sumakay siya sa loob hanggang sa nakarating siya ng rooftop.
Pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang malakas na ihip ng hangin, di kalayuan tanaw niya ang nakatalikod na binata habang nakapamulsa. Marahan siyang humakbang palapit dito, ramdam na niya ang panlalamig ng mga palad niya.
"S-Sir",
Humarap naman agad ito sa kanya, agad niyang napansin ang pamumula ng mga mata nito. Parang galing ito sa pag iyak.
"Ngayon mo ipaliwanag sakin ang sinabi mo na hindi ka makikipagkita sa lalaking yun", mahinahon ngunit may diin sa tono nito, napayuko naman siya at sandaling di nakaimik.
"Sagutin mo ko Clara, sabihin mong mali ang iniisip ko",
"S-Sorry,, wala akong ibang intensyon,, wala na ang lola niya,, nagkita kami para magpaalam ako ng personal sa Lola niya",
"Kahit magpaalam ka hindi na mabubuhay ang patay Clara!", napapikit siya sa biglang pagtaas ng boses nito,
"Hindi mo kase naiintindihan, dahil ang iniisip mo lang yang galit sa dibdib mo! wala silang ginagawang masama Diego! naging malaking parte na ng buhay ko ang Lola bakit ba hirap mong intindihin yun??",
"Nangako ka sakin at yun ang pinaniwalaan ko",
"Nagkamali ako," mahinang saad niya
"Ano nakapagdesisyon kana sa offer niya? sasama kana sa kanya???", muling saad nito, namumuo na ng luha ang mga mata niya,
"Oo, nakapagdesisyon nako",
Sandali naman itong natigilan at nakatitig lang sa kanya, kusa ng nagbagsakan ang mga luha niya,,
"Yun na ang huli naming pagkikita dahil nagdesisyon na kong manatili sa tabi mo. Kahit matagal maghihintay ako hanggang sa matupad mo ang mga pangarap mo",
Nagulat naman siya ng bigla siyang sugurin ng yakap nito, mahigpit siyang niyakap nito kasabay ng pag alog ng balikat nito. Umiiyak ito habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
Ilang sandali rin silang nasa ganong posisyon, hanggang sa marahan itong humiwalay sa kanya. Marahan niya namang pinunasan ang luha sa pisngi nito,
"Ang bakla mo umiyak Sir", pang aasar niya dito, naningkit ang mga mata nito tingin sa kanya, sandali silang naupo sa gilid habang magkahawak kamay.
"Natakot ako na pumayag ka sa offer niya, sino bang hindi tatanggi dun",
"Ako tumanggi",
"At hindi kana makikipagkita pa sa kanya??" paninigurado nito,
"Oo nga kase, nagagalit kana agad dyan eh",
"May nakakita sayo na sumama ka sakanya nung hapon na pauwi ka",
"Huh? ah. Hindi nako nakatanggi ng mag offer siyang ihatid ako habang pinag uusapan namin ang pagkamatay ng lola niya",
"Pero sumama kapa rin",
"Sumama ako para damayan siya sa pagkawala ng Lola, wala ng ibang dahilan",
"Pero nakipagkita ka ulit dun sa Memorial Park",
"Hah? bat mo alam?",
"See? so itatanggi mo pa?",
"Hindi nagtataka lang ako bat alam mo",
"Dahil nandon ako",
"Nandon ka?? Edi dapat nakita mo na nagkataon lang na pagpunta ko don e dumating rin sila",aniya, napaiwas naman ito ng tingin.
"Nagtagal kayo ng usap sa cafe", sabi ulit nito
"Dahil inoffer niya yung scholarship abroad",
"Hindi kaba nanghihinayang dun?"
"Hindi ko alam, nagtatalo ang isip at puso ko. Magiging masaya bako kung tatanggapin ko yun at iwan kita?",
Napatitig naman ito sa kanya,
"Hindi, dahil hindi rin ako papayag, iba nalang wag lang yon", seryosong saad nito,
"Kaya wala ka ng dapat pang alalahanin Sir, nagdesisyon nako magstay sa tabi mo",
"Maraming taon pa Clara, manatili kalang sa tabi ko at magiging matagumpay ako, aabutin ko yung pangarap ko na kasama ka",
Napatango naman siya dito, naniniwala siya sa kakayahan nito.
"Kamusta naman ang exam mo Sir?"
"Magreretake ako bukas",
"Huh? retake? bakit?",
"Hindi ako tumuloy kanina,"
"Dahil sakin??",
Napaiwas naman ito ng tingin,
"Sempre hindi,,"
"Ays! nagsisimula kapa nga lang Sir eh tpos ganyan??"
"Nag alala kase ko, hindi mo alam na halos mabaliw nako kakaisip sayo. Tingin mo mas pipiliin ko ang exam na yun kesa sayo??"
"Kailangan mo yon piliin kase mas importante yun, pag dumating yung araw na kailangan mong mamili, piliin mo yung pangarap mo",
"Pinili ko na yung pangarap ko, nasa harapan ko ngayon",
=_=
"Parang buang, seryoso kase. Kailangan mong unahing piliin ung pangarap mong propesyon, nandito lang naman ako eh. Maghihintay lang ako sayo",
"Pano kung bigla kang mawala oras na unahin ko yun?"
"Kahit anong mangyare babalik at babalik parin ako sayo kung mawala man ako, malay mo nasa kabilang building lang ako", sabay tawa niya,
"Ikaw yung buang dyan eh, seryoso tapos biglang ganyan", natatawang saad narin nito,
"Pero seryoso nga Sir, kung dumating man ang araw na kailangan mong mamili. Piliin mo ang Propesyon mong matapos",
"Pipiliin ko ang Propesyon ko at pipiliin din kita",
"Hays kulit, uwi na nga tayo Sir gabi na oh tama na emote",
"Sa condo kana matulog", nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito
"Hah?? b-bawal! uuwi ka dun at uuwi ako samin",
"Tsk. Okay ihahatid na kita sa sakayan", nauna itong tumayo at siya naman ang inalalayan paangat.
Pagtayo niya ay muli siyang niyakap nito.
"Wag mo na kong susuwayin okay!?"
"Okay",
Agad siyang ginawaran ng halik nito sa noo, at muling niyakap. Nakahinga na siya ng maluwag ng nagkaayos narin sila. Magkahawak kamay silang sumakay ng elevator hanggang sa maihatid siya nito sa sakayan ng Bus.
***
Araw ng exam nito at nakiusap sa kanya na doon siya mag hintay sa condo habang wala pa ito. Wala naman siyang pasok kaya doon na siya dumiretso, nasa kanya parin naman ang duplicate ng susi nito.
Pagdating niya ay malinis at hindi naman makalat ang paligid, wala tuloy siyang ibang gagawin. Naisipan niya nalang na paghandaan ito ng makakain, alas kwatro naman daw at makakauwi na ito.
Matapos niyang gumawa ng meryenda ay nagbasa na ulit siya ng libro na bigay nito. Nang maboring siya ay naghanap naman siya ng papel at lapis, nakakita rin naman agad siya kaya iyon naman ang pinagtuunan niya ng pansin.
Nawili siyang iguhit ang mukha ng binata na nakadisplay sa photo frame nito. Sobrang nakakaakit ang mga mata nito na tila nakangiti pag tumitingin sa kanya basta wag lang itong magagalit. Matangos din ang ilong nito, makapal ang mga kilay at pilikmata. Maganda ang korte ng labi at ang paalon na buhok nito.
Napatingin siya sa wall clock, isang oras pa ang hihintayin niya, muli niyang pinagpatuloy ang pag guhit sa larawan nito, balang araw magiging mahusay rin siyang mag guguhit.
Nasa shading na siya ng bigla siyang hinila ng antok, inilapag niya muna ang papel at lapis saka yumuko sa sofa. Iidlip na muna siya.
***
Matapos ang ilang oras niyang exam ay natapos rin niya, sinigurado niyang tama at walang palya. Excited na siyang umuwi dahil alam niyang naghihintay na doon ang kasintahan. Nang maipasa na niya ang test paper ay agad na niyang dinampot ang bag niya palabas ng room.
"Uy pre! punta ka mamaya sa Party hah!
8Pm!" habol sa kanya ni Patrick, may paparty nga pala ito dahil tapos na ang finals nila.
"Pag hindi ako busy!", aniya at nagmadali ng umalis, magandang ideya rin siguro na pumunta siya kasama ng dalaga. Nang sa ganon ay mapakilala niya ito sa kanyang mga kaibigan.
Pero tatanungin niya muna ang dalaga kung nais ba nito sumama o manunuod nalang sila ng movie??
Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa Condo niya, nakalocked naman ito gaya ng bilin niya pero naroon kaya ito sa loob? Agad na siyang pumasok, nagalak siya ng makita ang sandals nito sa gilid.
Humakbang na siya patungo sa sala at doon niya nakita na nakayuko ito habang natutulog. Agad niyang nilapitan ito at nahagip ng tingin niya ang iginuhit nito.
Napangiti siya ng makita ang mukha na iginuhit nito, mahusay palang gumuhit ang kasintahan, napagod siguro ito kaya nakatulog malapit na sanang matapos at shading nalang. Sandali niyang ibinaba ang bag at naupo sa harap nito.
Akmang bubuhatin na niya ito para hindi mangawit sa pwesto ng bigla itong magising
"Sir??",
Napangiti naman siya at inayos ang ilang hibla nitong buhok sa mukha.
"Nainip kaba?",
"Uhm hindi, gumawa ako ng meryenda kain kana?",
"Bakit ang swerte ko sayo?"
"Huh? parang meryenda lang eh",
Natawa naman siya sa sagot nito, parang wala lage itong ideya sa mga pinapahiwatig niya.
"Okay tikman natin ang meryenda mo", aniya at inalalayan itong makatayo,
"Nakatulog pala ako, teka lang nasan yung drawing ko?",
"Wala kinuha na ng pusa, masyado raw gwapo eh",
"Ang yabang eh",
"Hahaha!",
Nagsalo sila sa hinanda nitong meryenda, gumawa rin ito ng Orange Juice.
"Clara may gusto kabang gawin ngayon?"
"Huh? ahm wala naman Sir",
"Gusto mo bang magpunta tayong Party? ipapakilala kita sa mga kaibigan ko", excited niyang saad
"Eh? Party? hindi ako sanay sa ganon eh"
"Ano kaba, masaya yun. Mababait ang mga kaibigan ko. Pag naboring ka edi uuwi rin agad tayo",
"Ano ba kailangan isuot sa Party??",
"Hmm, ako ng bahala", nakangiti niyang saad.
Matapos nilang kumaen ay inaya na niya ito magpunta sa salon ng kanyang pinsan. Bakas ang pagtataka sa dalaga pero wala itong nagawa ng pagdating nila doon ay agad itong inayusan, mula sa buhok nito na inalon alon ng konte at inapplayan ng light make up.
Naghanda narin siya ng susuotin na pants at puting polo, parehas silang dalaga ng kulay ng damit habang ito ay naka white dress. Nang makalabas siya sa dressing room ay napamaang siya ng makita ang itsura ng dalaga.
Lalong naging maganda at kaakit akit ito sa kanyang paningin, simple lang ang ginawang make up dito na ikinalitaw ng natural na ganda nito.
"Ayan perfect,, smile ka para mas maganda", wika ng baklang nag ayos dito, nahihiya na ngumiti naman ito, nakangiti na lumapit na siya sa mga ito.
"Tada,, ano maganda naba Sir Diego?", ani ng bakla sa kanya
"Perfect",
Napakamot ulo naman ang kasintahan na tila nahihiya, kinuha niya kagad ang kamay nito
"Ready?", nakangiting tanong niya
"Ahm, O-Okay lang ba yung itsura ko?, hindi bako mukang clown?", halos pabulong na saad nito, muntik pa siyang matawa dito
"No, sobrang ganda mo", aniya at inayos ang ilang hibla nitong buhok
"Hindi yan Joke hah?, first time ko lagyan ng kung ano ano sa mukha,, parang hindi ako toh eh", saad pa nito habang nakatingin sa salamin
Napangiti naman siya at inakbayan ito.
"Maniwala ka na ikaw yan",
Magkahawak kamay na silang lumabas ng parlor at nagtungo na sa sasakyan, saktong alas otso ng makarating sila sa Party House ng kaibigan.