Five

2278 Words
Naalimpungatan siya ng sunod sunod na message ang natanggap niya galing sa binata, puro dot lang naman ito at walang mensahe na nakalagay. Napakunot noo naman siya at nawala ang antok niya, pasado alas tres palang ng madaling araw,  "Ano kayang nangyari dito?",  Pero bigla nagflashback sa isip niya ang malungkot na mukha nito, nang hindi na siya makatulog ay pinasya niya nalang na mag asikaso. Alas otso pa naman ang start ng trabaho niya kaya makakapunta pa siya sandali sa unit nito, may kutob kase siya na parang may mali ngayon dito, hindi niya natiis at nireplayan niya ang puro tuldok na message nito.  To: Sir D Ok ka lang ba Sir?  Ngunit hindi na siya nakatanggap ng reply dito hanggang sa matapos siya mag asikaso. Maaga siya bumiyahe para makarating dito ng maaga, kaya bago mag alas sais ay nakarating na siya sa Unit nito, magliligpit lang naman siya ng ilang kalat, hugas plato at kung minsan ay magpapaluto ito. Habang nasa elevator ay nakakaramdam na siya ng kaba, tila may ibang nangyari dito, nagulat pa siya ng pagpihit niya ng door knob ay hindi ito naka locked, binundol na siya ng kaba, hindi kaya may nangyaring masama dito??, Dali dali siyang pumasok sa loob hinanap ito,,  "Sir??, Sirr?? andyan ba kayo? Sir?",  Ngunit walang nasagot, tiningnan niya sa kusina at C.r pero wala bukod sa silid nito, huminga muna siya ng malalim bago lumapit sa tapat ng pinto nito na nakaawang, marahan siyang sumilip doon at nanlaki ang mata niya ng makita itong nakaupo sa gilid ng kama nakayukyok ang ulo at duguan ang magkabilaang kamay,  "Sirrr!!!!",  Dali dali niyang kinuha ang first aid kit nito at tarantang nilapitan ito,  "Sir anong nangyari??, bakit nagkaganito ang-",  "Clara,,, dumating ka", mahinang saad nito, nang mag angat ito ng tingin ay namamasa sa luha ang mga mata nito,,  "Sirr?" pakiramdam niya ay pinipiga ang kanyang puso ng makita ang malungkot na mukha nito "Napakawalang kwenta ng buhay ko, bakit ang hirap maging masaya", puno ng hinanakit na saad nito, maging siya ay naluluha na dito nahahabag siya sa nakikita niyang sitwasyon nito,  "Hindi yan totoo, mahalaga ang buhay na bigay sa atin,, hindi mo dapat sinasaktan ang sarili mo sir,," aniya, payak na ngumiti lang ito habang nakatitig sa kanya " sandali gamutin muna natin itong sugat mo",  Marahan niyang ginamot ang sugatang kamao nito, parang hindi pa ito nasasaktan sa paglagay niya ng alcohol o namanhid na ito sa sakit?, nang malagyan na niya ng gasa ang mga sugat nito ay binasa niya naman sa maligamgam ang bimpo at pinunas sa mukha nito, tila nag aalaga siya ng bata, pero labis ang awa na nararamdaman niya para dito. "Ipagluluto nalang kita ng almusal Sir para makakain at makapagpahinga kana",  Akmang tatayo siya ng pigilan siya nito,  "Wag mo kong iiwan, Clara", halos mamiyok na saad nito habang nakakapit sa braso niya,   Inalalayan niya naman ito papunta sa kama nito, mukha kaseng wala pa itong tulog at pahinga.  "Magluluto lang ako Sir, magpahinga na muna kayo dito ok?",  Ipinikit lang nito ang mata ng makahiga, kaya lumabas na siya ng silid nito at niligpit ang mga gamit na nagkalat. Nagkaroon na naman siguro ng problema ito sa pamilya nito, napabuntong hininga nalang siya at nagtungo ng kusina. Nag sangag nalang siya ng kanin, itlog at hotdog para sa almusal nito, wala kaseng ibang pwedeng maluto. Nakaramdam din siya ng awa para dito, nang matapos siya at mahimbing na itong natutulog. 7:30 nadin at kailangan na niyang umalis papunta sa trabaho niya. Nag iwan nalang siya ng note dito at lumakad na paalis, babalikan niya nalang ito pagka uwian. *** "Clara? pakibayaran naman ito dun sa store ng globe and updating lang ng mga passbooks", saad ng boss niya, lutang parin ang isip niya, hindi niya maiwasang di mag-alala sa binata,  "Sige po Mam",  Lumakad na siya paalis bitbit ang kanyang sling bag at payong, habang nag aabang ng elevator ay panay ang silip niya sa phone niya, gising na kaya ito?, nahihiya naman siya i message ito dahil baka kung anong isipin nito, ibinalik niya nalang sa bag ang hawak na cellphone, dadaanan niya nalang ito mamayang uwian. Mabilis naman siya nakarating sa store ng globe at nagbayad ng mga bills, ipapa update niya nalang ang mga passbooks sa bangko. Ilang bangko ang pinuntahan niya at laking pasalamat niya na hindi masyado mahaba ang pila, makakaabot pa siya ng lunch time sa office,  Pabalik na siya at sa under pass ang daan niya, isang matanda ang naagaw pansin niya na tila hinahapo panay din ang tingin nito sa bawat gilid. Sakto naman na palapit siya dito kaya nilapitan na niya ito,  "Lola ayos lang ba kayo?",  "Hinahanap ko si Clara, nakita mo ba siya? may humahabol kase saking mga,, mga ano-" sabay tingin nito sa paligid, tila balisa ito at bakas sa mukha ang takot, nagitla pa siya ng mahigpit na hawakan nito ang braso niya,  "Clara, umalis na tayo dito sasaktan nila ako",  "P-Po??",  "Ayun yung matanda!",  Napatingin siya dun sa dalawang lalaki na papalapit sa gawi nila, bigla nanginig ang pagkakahawak ng matanda sa braso niya, maging siya ay kinakabahan narin sa paglapit ng mga ito,  "Clara, takbo na tayo bilis!!",  "Ahh, hah??",  Hinila na siya ng matanda kaya napakilos narin siya,  "Hoyyy!!!!, sandaliiii",  Nanlaki ang mata niya ng bumilis din ang habol ng dalawang lalaki, lalo niya binilisan ang pagtakbo akay akay ang matanda, hindi niya alam kung ano itong napasukan niyang gulo pero kailangan niyang mailigtas ang matanda sa mga lalaking iyon dahil tiyak niyang mapanganib ang mga ito,,  Muli naman hinapo ang matanda kaya bumagal ang pagtakbo nila,  "Lola okay lang kayo? kaya niyo pabang tumakbo?",  "Tumakbo kana Apo, hanapin mo para sakin si Harry,, siya lang makakaligtas satin", hinahapong saad nito,  "Pero Lola", giit niya, hindi niya rin naman kilala ang Harry na tinutukoy nito tuluyan ng nakalapit sa gawi nila ang dalawang lalaki na mukang gangster "Pinapahirapan mo talaga kaming matanda ka, nagdala kapa ng sabit ah", saad ng isa, lalong humigpit ang kapit ng matanda sa braso niya,  "Ano bang kailangan niyo? hindi na kayo naawa sa matanda", hindi niya mapigilang saad,  "Hoy babae, wag kang makikisali dito kung ayaw mong masaktan", sabi naman nung isa na naka shade pa at may hikaw sa labi,  "Mga duwag naman pala kayo eh, mga walang bayag matanda lang ba kaya niyong pagtripan?", inis niyang saad sa mga ito kahit nakakaramdam ng kaba at panganib  "Clara",  "Aba matapang ka Miss, hindi mo ata alam ang gulong pinapasok mo,," nangingisi pang saad ng isa, binundol na siya lalo ng kaba, bakit ngayon pa wala masyadong nagdadaan dito na tao para makahingi man lang sila ng tulong,  "Pero mas okay toh Pare, bata at mukhang makinis", sabay halakhak pa ng kasama nito, nangilabot naman siya sa sinabi nito, payong lang na mahaba ang maipang sasangga niya kung saka-sakali,  "Wag niyong sasaktan ang Apo ko, ipapakulong ko kayo", duro ng matanda sa mga ito "Hoy tanda!, matagal ng patay ang Apo mo. Sumama kana lang samin para walang problema. Kanina mo pa kami pinapahirapan kakahabol sayo eh",  Akmang lalapit ito ng agad niya hinarang ang mahaba niyang payong "Wag kang lalapit,",  Napahagalpak naman tawa ang lalaki, at hinablot ang payong niya, halos makaladkad naman siya sa lakas nito pero hindi siya bumibitiw, naluluha nadin siya sa inis at takot,  "Akala mo ba talaga matatakot ako dyan sa payong mo?" Ilang sandali pa silang naghilahan sa payong niya bandang huli ay napasubsob siya, agad naman siya dinaluhan ng matanda na maluha luha,  "Wag niyong sasaktan si Clara,,, ako nalang ang saktan niyo wag ang Apo ko", pasigaw ng wika nito sa mga lalaki, namamasa narin ang mga mata nito sa luha "Nababaliw na talaga ang matandang ito Pare, bilisan na lang natin at baka may makakita pa satin dito", saad nung isa at agad hinablot yung braso ng matanda,  "Ahh, Clara",  "Lola!",  "Wag kana kase magmatigas tanda, papahirapan mo pa ang trabaho namin eh, sumama kana lang ng matiwasay",  "Ayoko sumama sainyo, Clara hanapin mo si Harry humingi ka ng tulong sa kanya sasaktan nila ako",  Dali siyang tumayo at hinila sa mga ito ang braso ng matanda,  "Bitiwan niyo siya,",  Sila naman ang naghilahan sa braso nito, ngunit ayaw bitawan nito ang matanda kaya agad niyang kinagat ang kamay nito,, napahiyaw ito sa sakit dahil talagang diniin niya ang pagkakakagat,  "Ahhhrrrrggghhh!!!",  Nang akma namang lalapit ang isa ay agad niyang sinipa ang harapan nito, nagkaroon sila ng pagkakataon makatakbo muli ng matanda,  "Lola bilis!!!",  Nang makalayo na sila ay napaluhod naman ito dahil sa pagod, hindi sila pwedeng maabutan ng mga unggoy na yun kaya kailangan nilang makahingi ng tulong,  "Lola kapit ka sa likod ko, hindi nila tayo pwedeng maabutan",  "Kakayanin mo ba ako Apo?" "Ou naman La," nakangiting saad niya dito, agad niyang pinangko ito buhat sa likuran niya, di kalayuan paglingon niya ay natanaw na niya ang dalawang ugok,  "Naku naman andyan na sila!!!!",  Sa pagkakatanda niya ay may malapit na Police Station dito pagkalampas ng Fire Station, ngunit sa kabilang kalsada pa iyon, binilisan niya nalang ang paglakad takbo, di niya alintana ang pagod, kailangan nilang makapunta sa ligtas na lugar dahil maging siya ay mapapahamak nadin,  "Hoyyyyy!!!!",  Sigaw ng dalawang humahabol sa kanila, malapit narin naman sila sa Police Station,, ngunit ilang hakbang nalang mula sa hagdan ng entrance ng maharangan sila ng isang kasama nito.  "Wala na kayong matatakbuhan, ikaw babae ka napipikon nako sayo ah. Akala mo makakalusot kapa sa ginawa mong pagkagat sakin hah!",  Halos mandilim ang paningin niya ng tumama sa mukha niya ang malakas na sampal nito, muntik din siyang ma out of balance sa kinatatayuan niya,  "Wag mong sasaktan si Clara!!!", pinaghahampas naman ito ng matanda kaya agad nitong nahablot ng isang lalaki,  "Sakit sa ulo ka talagang matanda ka eh, dapat sayo tinatapos na ng buhay",  "Bitiwan niyo siya!!", habol niya pang saad sa mga ito at hindi binitawan ang braso ng matanda,  "Tigas talaga ng mukha mo noh?, gusto mo ikaw unahin kong tapusin hah?" nanlilisik ang matang bulyaw nito sa kanya, akmang sasampalin na naman siya nito ng biglang may sumipol, natigilan ito at nanlaki ang dalawang mata, nabuhayan siya ng loob na makahingi ng tulong ng makita ang isang sibilyan na pulis,,  "Tulong!!!, Tulong sinasaktan nila kami!!!", malakas niyang sigaw, lalong sumama naman ang tingin sa kanya ng lalaki, mabilis naman ang ginawang paglapit ng sibilyan sa gawi nila,  "Hindi pa tayo tapos Clara, pagsisisihan mong nanghimasok ka sa trabaho namin,, tandaan mo ang mukha na toh", mariin at may galit na saad nito, tuluyan ng nagbagsakan ang luha niya,,  Bago pa makalapit ang sibilyang pulis ay mabilis ng kumaripas ng takbo ang dalawang lalaki, isang masamang tingin ang iniwan ng mga ito sa kanya.  "Anong problema dito?, Lola okay lang ba kayo?", saad ng kadarating na Pulis sa kanila,  "Maraming Salamat Sir, muntik na kaming mapahamak ng aking Apo sa masasamang lalaki na iyon", umiiyak na simula ng Matanda,  "Ineng okay ka lang ba?, pumasok tayo sa loob upang magawan ng Report ang tinutukoy nitong si Lola", napatango na lang siya ng ayain sila nito sa loob ng Presinto, halos lutang ang isip niya sa dami ng katanungan, hindi niya kilala ang mga taong iyon,,  May inabot naman sa kanyang number ang matanda para makontak nila ang kamag-anak nito na susundo dito. Ngunit naka ilang dialled na siya ay walang sumasagot, tahimik siyang bumalik sa gawi nito, mukang kalmado narin ito ngayon gaya niya, pero hindi parin maalis sa isip niya ang mag alala.  "Lola may iba kapa bang number nila? wala po kaseng sumasagot",  "Okay lang Clara, parating narin dito si Harry, pupuntahan niya tayo dito,, hindi na tayo sasaktan ng mga lalaking iyon", nangingiting saad nito sa kanya,  "Okay na po ba kayo?, sino po ba ang mga iyon?", tanong niya, kanina pa kase ito tinatanong ng mga pulis pero hindi nito masagot, puro iling lang ang ginagawa nito, muli ay hindi na ito sumagot at ngumiti nalang sa isang tabi,  "Masaya ako makita ka ulit Clara, wag ka ng mawawala hah?",  Napatitig lang siya dito, naalala niya ang yumao niyang lola, hindi man lang siya nagkaroon nun ng pagkakataon na makasama ito, namatay itong mag isa dahil hindi sila nakauwi, wala silang pera para mapuntahan man lang ito. Napaangat ang tingin niya ng makita ang mga naka itim na tuxedong lalaki papalapit sa gawi nila, tingin niya ay mga body guards ito,  "Nariyan na si Harry", may galak na saad nito,  "Okay lang po ba kayo Señora?, naghihintay po sa labas ang inyong sundo" wika nung isa, ngumiti naman at tumango dito ang matanda, marahan na inabot nito sa kanya ang kanyang sling bag.  "Maraming Salamat sa tulong mo hija, sasabihin ko kay Harry na magkikita ulit tayo", nangingiting saad nito, medyo may pagtataka man sa kanyang isip sa kinikilos at pananalita ng matanda ay hinayaan niya nalang. Kinawayan niya nalang ito ng makaalis kasama nung tatlong lalaki, marahil hindi ordinaryong tao ito kaya hinahabol ng mga lalaking iyon,  "Akala ko ay Lola mo iyon Ineng?", napalingon siya dun sa Janitor  "Ah hindi po," "May sakit ba iyon? parang paiba iba ang takbo ng isip,"  Siguro nga ay may karamdaman ito kaya ganoon, masyado na siyang natagalan, pasado alas dos na at nahihilo na siya sa pagod at gutom. Ayaw pang humakbang ng mga paa niya dahil nangangamba pa siya na baka nasa paligid lang ang mga lalaking iyon, naalala niya pa ang pagbabanta ng isa sa kanila na tumatak sa isip niya. Napailing nalang siya, kailangan na niyang bumalik, tatakbo nalang ulit siya kung sakali.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD