bc

Codename: Mythos

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
dark
mafia
loser
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Namatay nang maraming pagsisisi si Elisandra Cazares. Lahat ng inakala niyang kakampi ay kaaway pala, na siyang naghatid sa kanya sa maagang kamatayan.

Marahil ay naawa sa kanya ang tadhana. Binigyan siya ng panibahong pagkakataon para maitama ang mga nagawang mali, at pagbayarin ang mga taong may atraso sa kanya.

Sa bago niyang buhay at pagkakataon, unti-unti siyang babawi at babangon.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Malamig ang hampas ng hangin sa mukha ni Elise pero halos hindi niya maramdaman. Nangangapal ang mukha niya, tadtad ng butil-butil na pawis ang noo at leeg niya nang mga sandaling ‘yon. Nanlalaki ang mga matang napaatras ang babae. Doon siya dinala sa rooftop ng C&A Industries dahil sa pagsisikap niyang makatakas sa mga humahabol sa kanya. “Huwag kang lalapit!” sigaw ni Elise sa lalaking dahan-dahang humahakbang papalapit sa kanya. Sa halip na makinig ay lalo lang lumapad ang pagkakangisi ng lalaki kay Elise. Tila nang-aasar na umatras-umabante pa ito. Para bang pinaglalaruan ang kasalukuyang sitwasyon ni Elise. Wala sa loob na napalingon si Elise sa likod. Kaagad siyang napalunok nang mapagtantong kakaunti na lang ang natitirang semento na puwede niyang atrasan. Hanggang baywang ang nakaharang na bakal na barandilya pero hindi ‘yon sapat para mapawi ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. “Come on, Elise. Give up! Wala ka nang mapupuntahan. There is nothing beyond those railings but air.” Kahit natatakot ay humakbang pa uli paatras si Elise. Lalong humigpit ang pagkuyom ni Elise sa kaliwang kamao. The thing inside her clenched fist is her only lifeline left, her only remaining survival. Naglalaman ng maraming sikreto ang USB na hawak niya, sikretong papabor sa lalaking kaharap niya ngayon, sampu ng mga kasabwat at kasamahan nito. At kasama na doon ang nakatatanda niyang kapatid na si Eliana. Pagkaalala sa kapatid ay humigpit ang dibdib ni Elise, kasabay ng panibagong panlalabo ng mga mata. Hindi siya makapaniwalang magagawa sa kanya ng kapatid ang lahat ng ito! Did she mean nothing to her sister? Buong buhay niya ay wala siyang hinangad kundi masayang pamilya at payapang buhay. Ni minsan ay hindi siya nakipagkompitensya sa mana at kapangyarihan. “Get away from me, Paulo!” muling sigaw ng babae. “Now, now darling. Calm down, will you? Pag-usapan natin nang maayos. Para namang wala tayong pinagsamahan ah. Give me the USB and I promise you everything will be okay. Kakalimutan ko ang mga kasalanan mo sa akin, and we will start over. Gusto mo ‘yon, hindi ba?” Elise gritted her teeth, fear momentarily forgotten. Kasalanan? Wala siyang ginawang kasalanan kay Paulo. Sa katunayan, ito ang maraming atraso sa kanya. “Huwag mo akong baliktarin, Paulo! Kayo ni Ate Eliana ang may atraso sa akin! I trusted you! Bakit niyo nagawa sa akin ang lahat ng ito? I am your wife!” “Exactly! Kaya nga dapat ako ang kampihan mo dahil asawa mo ako. So, give it to me, Elise.” Matigas ang boses na demand ni Paulo, nakaunat ang isang kamay papunta sa babae. “No!” tanggi ni Elise na lalo pang humigpit ang pagkakahawak sa USB. “Magmamatigas ka pa talaga hanggang ngayon?” “I’d rather die than give this to you!” Muling namutawi ang nakakalokong ngisi sa labi ni Paulo. Ang kakaibang kislap sa mga mata ng lalaki ay naghatid ng panibagong kaba kay Elise kung kaya muli siyang napaatras. “Kung ganoon, mas mabuti pa nga siguro na mamatay ka na lang!” Kasabay ng pagsigaw ng lalaki ay ang pagtakbo nito pasugod kay Elise. Sa isang iglap, naitulak ni Paulo si Elise sa barandilya na noon ay nasa likod na lang ng babae gawa ng pag-atras niya nang makailang beses. Tumama ang likod ng baywang ni Elise sa barandilya, kasabay ng pagkalat ng makapatid-hiningang sakit. Her lips parted in a voiceless scream as her body went over the railings. Humagupit ang hangin sa pandinig ni Elise habang bumubulusok ang katawan niya paibaba. Mula sa ikalabing-apat na palapag, sigurado siyang hindi na siya mabubuhay pagbagsak niya sa semento. Sa nanlalabong paningin, tumiim ang bagang ni Elise kasabay ng pagtanggap niya sa napipintong kamatayan. Ipinikit niya ang mga mata. Magkikita at magkikita pa rin tayo sa impiyerno. Dilat ang mga matang natapos ang buhay ni Elise sa sandaling nagtagpo ang katawan niya at ang malamig na semento. Dahan-dahang kumalat ang pulang dugo mula sa likod niya, gumapang sa semento na para bang buhay at may sariling isip. Umalingawngaw ang isang malakas na tili ng babae nang mabungaran nito ang wala nang buhay na katawan ni Elisandra Cazares.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
311.0K
bc

Too Late for Regret

read
291.1K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
138.2K
bc

The Lost Pack

read
405.0K
bc

Revenge, served in a black dress

read
148.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook