Chapter 14

1108 Words
Sa observation room ng Mandaluyong facility, pinanood ni Renzo si Carmela sa kabila ng one-way glass. Her body was still, but her eyes were wide open, unblinking, and unfocused. Magulo ang itim na buhok ng babae, hindi na rin matandaan ni Renzo kung kailan huling dinaanan ng suklay. Carmela might look clean, but her mind is slowly disintegrating. Hindi rin maintindihan ng lalaki kung ano ang larong nilalaro ni Eliana. She treated her mentee as a chess pawn. “She’s not responding to stimuli,” bulong ni Renzo sa communication line na nagdudugtong sa kanila ni Eliana. “Lagpas na tayo sa paranoia. She’s entering collapse.” Eliana’s voice came through, cold and clinical. “Hayaan mo siya.” Hindi na nakipagtalo si Renzo. Bagamat hindi siya sang-ayon sa pinapagawa ng babaeng kausap, hindi rin siya tumanggi. Walang personalan, trabaho lang ang lahat para sa kanya. Renzo stayed rooted on his spot, eyes trained on Carmela. --- Sa loob ng silid, bubulong-bulong si Carmela sa sarili. “They’re inside. They’re inside. They’re inside.” Paulit-ulit ang mga salitang namumutawi sa nanunuyong labi ng babae, mailap ang mga mata. No one answered. Then, a voice—soft, genderless, impossible. “Hindi naman talaga ikaw ang target. Kahit kailan, hindi ikaw ‘yon. You were the witness.” Napasigaw si Carmela. Hangos na pumasok si Renzo. Hinawakan ng lalaki ang magkabilang balikat ni Carmela, matiim ang pagkakatingin sa mukha ng babaeng tila wala na sa sariling katinuan. “What did you hear?” Itinuro ni Carmela ang puting dingding. Maliban sa puting pintura ay walang naroroon. “Ginagaya nila si Elise. I can hear the rhythm.” Renzo checked the monitors. No signal. No breach. But the temperature dropped. --- Sa command vault ng San Juan, paroo’t parito ang hindi mapakaling si Bianca. Saglit itong uupo pero hindi magtatagal ay muli itong babalik sa palakad-lakad, kagat-kagat ang kaliwang hinlalaki at abala ang utak sa pag-iisip. She has a big reason to be anxious, nervous even. “Tier 3 is syncing with something else,” sabi ni Bianca. “It’s not Elise. It’s not Mythos. It’s both.” Elise didn’t flinch. “Phase Drift.” Doon natigil si Bianca sa ginagawa. Her face changed as the answers came to her willingly. “William?” Tumango si Elise. “Sinusubukan niya ako.” Bianca hesitated. “Hindi ka ba sasagot, o gaganti? Aren’t you going to do anything?” Mahina pero matatag ang boses ni Elise ang sumagot. “Hmm..ginawa ko na.” --- At Kintara HQ, William stared at the waveform. The Phase Drift was live—his counter-rhythm pulsing against Tier 3’s cadence. Pumasok ang analyst ng binata. “We’ve detected mimicry. Mythos is echoing Elise’s rhythm.” Naningkit ang mga mat ani William sa narinig na impormasyon. “Or Elise is echoing Mythos.” Kapagkuwa’y nagbukas si William ng secure na channel. “Trace the sync. Gusto kong malaman who’s leading.” --- Nang gabing ‘yon, pumanhik si Elise sa rooftop garden. Naabutan niya si William doon, malayo ang tingin habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon nito. Mahina ang mga yabag na lumapit si Elise sa lalaki, ginaya ang ginagawa nitong pagtanaw sa kawalan. They both settled in silence. Walang gustong maunang basagin ang katahimikan. Elise felt it was nice, just the two of them enjoying the breeze with their own thoughts. Mabibilang sa daliri niya ang mga pagkakataong ini-enjoy ng dalaga ang simpleng katahimikan kasama ng isang tao. Isang taong hindi niya alam kung ano ang papel sa buhay niya, maliban sa pagiging kakampi nito sa laban niya ngayon. At isang malaking kasinungalingan kung sasabihin niyang hindi siya apektado kay William. His mere presence either brought her comfort or distress about something strange she doesn’t have the luxury to address. “You felt it,” basag ni William sa namamagitang katahimikan sa pagitan nila ng dalaga na hindi man lang lumilingon. Kagaya ni Elise, kabisado na rin ni William ang tunog ng hakbang ng dalaga. She moves like a cat, her footfalls soft. Or was it deliberate? Ah, hindi na niya alam. Hindi rin naman imposible, considering Elise is not an ordinary woman. “I did,” sagot ni Elise. They stood in silence once again, the air between them fully charged now. “You’re not reacting.” “I’m recalibrating,” salungat ni Elise. Doon siya nilingon ni William. Blangko ang mga mata ng binata. Sa tulong ng malamlam na dilaw na liwanag na nanggagaling sa isa sa mga poste sa lugar, naaaninag ni Elise ang kawalan ng emosyon ng lalaki. O mas tamang sabihing kontrolado ng binata ang sarili. Sa mundong ginagalawan nila, isang malaking advantage ‘yon. Maybe William is successful in his own right because of his ability to mask his inner thoughts and emotions. “You’re not denying it anymore,” kumpirma ng binata. “Hindi ka na umiiwas, hindi mo na rin dinidepensahan ang sarili mo kagaya ng dati sa tuwing nagtatanong ako o nanunubok.” Sinalubong ni Elise ang tingin ng lalaki. Tama si William. “Would it matter?” Hindi kaagad nakasagot si William, para bang tinitimbang nitong mabuti ang susunod na sasabihin. His silence stretched to a full minute, convincing Elise that William had chosen to keep his mouth shut. Pero nang magsalita ang lalaki ay hindi napigilan ng dalaga ang pagkabog ng dibdib. It caught her by surprise that she felt her tongue got heavy. “It would matter to me.” Elise’s breath hitched. For a moment, the silence between them wasn’t tactical—it was intimate. Pero duwag siya. Elise knew she didn’t have the courage to grab whatever William is offering her at this point. Masyadong maraming bagay ang kailangan niyang unahin. And there is so much at stake. Elise shook her head, unable to deny to herself that she regretted her choice. Wala siyang magawa kundi ang umatras, kagaya ng madalas niyang ginagawa sa tuwing pakiramdam niya ay nasusukol siya ni William. She stepped back; her feet were unusually heavy. “Not tonight.” Hindi sumunod si William. Hinayaan niya ang dalaga sa pinili nito. William heaved a sigh, but he stayed. He will be patiently waiting, until she no longer has the need to step back and run away from that something between them. --- Sa Mandaluyong, Carmela received another whisper. “You were never meant to follow. You were meant to choose.” Bumagsak si Carmela. Nasalo naman siya kaagad ni Renzo bago pa siya tumama sa malamig na sahig. “She’s breaking,” bulong ni Renzo. Eliana’s voice replied. “Then let her break.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD