Parehong masaya ang pakiramdam nina Rohem at Tattered habang naglalakad sila palabas sa amusement park. “Best date ever,” nangingiting sabi ni Rohem habang sabay silang naglalakad ni Tattered papunta sa sakayan. Tumingin naman kay Rohem si Tattered. Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi. “Date rin pala ang tingin mo sa ginawa nating dalawa,” aniya. “Oo naman. Alangan namang wala lang itong ginawa natin,” ani Rohem saka ngumiti ulit. Lumaki ang ngiti sa labi ni Tattered. “Sa first monthsary nating dalawa, mas magiging masaya ang date natin and I will make sure of that,” wika niya kay Rohem. “Bakit? May plano ka na ba?” tanong ni Rohem. “Uhmm… May binubuo na akong plano sa utak ko .” Ningitian ni Tattered si Rohem. Napangiti naman si Rohem. “Talaga ba?” tanong niya. “Oo nga,” s

