CHAPTER 53

1304 Words

Nagsasalo sa hapunan sina Tattered at Rohem kasama si Ripped. Magkatabing nakaupo sa mga upuan sa kanan ng dining table sina Tattered at Ripped habang nasa harapan naman nila at nasa kaliwa ang inuupuan ni Rohem. Pinagsasaluhan nila ang pagkain na galing sa sikat na fast food kaya naman tuwang-tuwa din si Ripped na kinakain ang spaghetti dahil paborito niya ito. “Kumusta naman ang pagpasyal niyo kay Ripped, naging maayos ba?” tanong ni Tattered kay Rohem. Tiningnan naman ni Rohem si Tattered. Ningitian niya ito. “Okay naman. Masaya si Ripped sa pammaasyal,” aniya saka tiningnan pa si Ripped. “Di ba Ripped?” tanong niya pa rito. Tumingin sa kanya si Ripped saka tumango-tango tapos ngumiti. Nagpatuloy ito sa pagkain na sandaling natigil dahil sa pagsagot niya. Ngumiti naman si Tattered.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD