CHAPTER 57

1438 Words

Kanina pa tingin nang tingin si Rohem sa kapatid na si Sandblast na natutulala lang at hindi kumakain kahit hawak na ng kanang kamay nito ang kutsara at tinidor sa kaliwang kamay. Nasa dining table silang dalawa at magkaharap na nakaupo. Nakahain naman sa mahabang lamesa ang mga pagkain sa hapunan. ‘Problema niya?’ sa isip-isip na tanong ni Rohem habang nanunuri ang pagtingin kay Sandblast. Nagtataka si Rohem sa pagiging tahimik at pagkakatulala ng nakakatandang kapatid. Hindi niya mapigilang isipin na may dinadala itong problema na hindi sinasabi sa kanya kaya tila wala ito sa sarili. Maya-maya ay huminga nang malalim si Rohem saka niya naisipang tawagin na si Sandblast. “Kuya,” pagtawag niya dito. Hindi naman natinag si Sandblast sa pagtawag sa kanya ni Rohem. Tulala pa rin ito at ti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD