Magkasama sina Rohem at Tattered. Nasa loob silang dalawa ng pantry dahil breaktime nilang dalawa. Nakakunot ang noo ni Tattered. Kanina pa niya napapansin ang pagkabahala at pag-aalala ni Rohem sa hindi niya malamang kadahilanan dahil wala naman itong sinasabi pa sa kanya. “Rohem,” pagtawag ni Tattered sa kaharap na asawa na napatingin naman sa kanya. “Kanina ko pa napapansin na parang nababahala at nag-aalala ka. May problema ka ba?” tanong pa nito. Huminga nang malalim si Rohem. “Si Kuya kasi,” sagot niya na ikinakunot ulit ng noo ni Tattered. “Parang may hindi sinasabi sa akin,” aniya pa. “What do you mean?” nagtatakang tanong ni Tattered. Nagbuga nang hininga si Rohem. “Para kasing may problema siya na ayaw niyang ipaalam sa akin,” aniya. “Nag-aalala tuloy ako sa kanya,” dugtong

