FINAL

1901 Words

Magkaharap na nakaupo sina Sandblast at Patrick. Nasa loob sila ng pantry ng opisina ni Sandblast. Nakaupo sa kaliwa si Patrick habang sa kanan naman si Sandblast. Nasa gitna nila ang pabilog na mesa kung saan nakapatong sa ibabaw nito ang isang plato ng mainit-init pang sweet and spicy na pancit canton na niluto ni Patrick at kanilang pinagsasaluhan. Sa isang malaking plato lang nagsasalo ang dalawa. Nangingiti si Patrick habang pinapanuod niyang ngumuya si Sandblast. Pinaningkitan naman ng mga mata ni Sandblast si Patrick na tinawanan lang siya. Muling nagpaikot ng pancit canton si Patrick sa hawak niyang tinidor saka iyon sinubo. Pinaikot din ni Sandblast ang tinidor niya sa pancit canton at nang makakuha ng sapat na dami ay sinubo na niya rin iyon saka hinigop-higop ang noodles nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD