EZNA LIAN “Sorry po, kuya. Ang cute mo po kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kurutin ang pisngi mo,” sabi ko sa kanya. “It’s okay,” sagot niya sa akin. “Sorry kung may ipis sa room ko. Kahit palagi akong naglilinis ay may ipis talaga. Hindi ko rin kasi alam kung saan ba sila galing. Basta next time, kapag may ipis ay paluin mo na lang ng tsinelas,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “I’m sorry kung dito ako natulog,” sabi niya sa akin. “Okay lang, kuya. Hindi mo kailangan na magsorry sa akin. Ang mahalaga ay nakatulog ka ng maayos,” sabi ko sa kanya. “I sleep well,” sagot niya kaya napangiti ako. “Labas na po muna ako, kuya. Magluluto lang ako ng umagahan natin,” sabi ko sa kanya. “Okay,” tanging sabi niya at iniwan ko na siya. “Good morning, ate,” bati sa akin ng kap

