EZNA LIAN Habang kumakain kami ay nakatingin lang kaming dalawa ng kapatid ko sa kanya. Ang gwapo kasi talaga niya. ‘Yong mukha niya, hindi talaga siya nakakasawa, hindi nakakaumay dahil parang ayaw ko na talagang alisin ang mga mata ko sa kanya. “Hindi ba kayo kakain?” tanong niya sa amin. “Kumain ka lang, kuya,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Ilang taon ka na?” tanong niya sa akin. “Eighteen po, siya naman po ay twelve po.” “Ikaw po, kuya. Ilang taon ka na po?” “Hindi ko alam,” sagot niya sa amin. “Bunso, hindi talaga niya alam dahil alam mo naman na kahit nga pangalan niya ay hindi niya alam,” sabi ko sa kapatid ko. “Ay, oo nga pala. Sorry po, kuya. Nakalimutan ko po,” sabi ng kapatid ko. “It’s okay, sabi nga ng ate mo ay hayaan ko na lang muna kung wala pa akong maalala. Hay

