ADAM SEBASTIAN “Ano anak, kaya pa ba?” nakangiti na tanong sa akin ni mommy. “Kaya ko ito, mom.” sagot ko sa kanya. “Hahaha, ang gwapo talaga ng anak ko lalo na kapag balak na magluto.” pabiro na sabi ni mommy at pinupunasan ang mga pawis ko. “I’m okay, mom. Binibaby mo na naman ako.” “Bakit, baby naman talaga kita? Ikaw ang first baby ko. Ang bilis talaga ng panahon. Kung noon ay baby ka pa ngayon magaling ka nang gumawa ng bata. Kaya ikaw dapat alagaan at mahalin mo ang mga anak ko kasi mami-miss mo ang mga panahon na maliit pa sila. Tulad niyo ang bilis ng panahon, ngayon ay may mga sarili na kayong pamilya. Nami-miss ko na ang mga araw na maliliit pa kayo.” nakangiti na sabi niya sa akin. “Thank you, mom. Salamat po sa pagmamahal at pag-aalaga niyo sa amin. Sa mga bagay at panga

