ADAM SEBASTIAN Hindi ako mapakali na hinayaan ko lang ang asawa ko na lumabas kaya naman mabilis akong lumabas sa office ko para sundan siya. At hinanap ko siya dito sa baba pero wala siya dito kaya naman lumabas na ako. Medyo malayo na ako sa Capitol pero dumiretso pa rin ako hanggang sa nakita ko ang asawa ko na hinarang ng mga kalalakihan. Mabilis na uminit ang ulo ko sa galit lalo na hinawakan niya ang asawa ko. Alam ko na may malisya ang hawak niya sa asawa ko. Hindi ako mahilig manghusga pero ngayon ay oo na lalo asawa ko ang hinahawakan niya. Sinuntok ko ito at hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Sisiguraduhin ko na mabubulok sila sa kulungan. Hindi ko hahayaan na ipahiya niya ang asawa ko sa ibang tao. Mahal na mahal ko ang asawa ko kahit pa alam ko na kaya niyang ipagtanggol ang s

