RACHEL “Hindi ko hahayaan na bastusin ka nila, hindi ko hahayaan na may humawak sa ‘yo at higit sa lahat hindi ko sila hahayaan na ipahiya ka nila ng ganun. You’re my wife at gagawin ko ang lahat para protektahan ka.” “Hindi mo na lang sana pinatulan, mahal. Baka nakalimutan mo na kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko.” sabi ko sa kanya. “Alam ko naman na kaya mo, mahal. Pero ngayon kasi buntis ka kaya kailangan mong maging maingat.” mahinahon na sabi niya sa akin. “I’m sorry, mahal. Kung hindi sana ako namilit na lumabas ay hindi ito mangyayari. Baka mamaya ay ano pa ang gawin nila laban sa ‘yo.” “Hindi mo kasalanan, may mga tao lang talaga na mga walang hiya. At wala silang gagawin sa akin,” sabi niya sa akin. “I love you,” malambing na sabi ko sa kanya. “I love you so much, m

