EZNA LIAN “Kuya, crush na yata kita,” mahina na sabi ko sa kanya pero bigla na lang siyang dumilat. Parang tumalon ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko ngayon. Alam ko kasi na narinig niya ako. “Sorry, kuya,” sabi ko at nagmamadali akong bumangon pero hindi ako nagtagumpay dahil bigla na lang niyang binago ang posisyon naming dalawa. Nasa ibabaw ko na siya ngayon. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Kaya hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nakatingin lang ako sa kanya pero itong puso ko ngayon ay sobrang bilis ng t*bok niya na para bang mamamatay na ako sa sobrang bilis niya. “G–Galit ka ba sa akin, kuya? Narinig mo ba ako?” tanong ko sa kanya. “Yes, narinig kita at hindi ako galit,” sabi niya sa akin. “Talaga? Hindi ka galit na crush kita? Pero hind

