ADAM SEBASTIAN Ang asawa ko ang lahat sa akin. Kaya sa araw ng graduation niya ay ako ang unang papalakpak at babati sa kanya. Alam ko na marami siyang hirap na pinagdaanan. Marami siyang hinabol sa school at samahan pa ng mga morning sickness niya. Naglilihi rin siya at paiba-iba ang mood niya. Pero kahit ganun ay masaya ako dahil sa wakas nakapagtapos na siya. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na ang swerte ko dahil sa pamilya na mayroon ako. Alam ko ang nararamdaman niya at naiintindihan ko siya. Alam ko na mahirap para sa kanya na wala na ang parents niya. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapasaya ko siya. Ibibigay ko ang pamilya na magmamahal sa kanya. Para hindi na niya maramdaman na mag-isa siya. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ng asawa ko na m

