RACHEL Ngayon na kami uuwi na dalawa. At hawak niya ang kamay ko habang palabas kami sa kubo niya. Medyo nalungkot ako dahil mami-miss ko ang kubo. Hindi ko kasi alam kung kailan ulit kami babalik dito. “Ninong, okay lang ba kung ako naman ang magdrive? Gusto ko kasing magmaneho ngayon.” tanong ko sa kanya. “Are you sure?” tanong niya sa akin. “Oo naman, sure na sure. Bakit ayaw mo ba?” “Okay, basta kapag napagod ka na ay papalitan kita.” saad niya sa akin. “Okay po, Adam.” nakangisi na sabi ko sa kanya. “Fvck! Alam mo talaga akong akitin.” sabi niya sa akin. “Hahaha, nagpapaakit ka naman kasi.” natatawa na sabi ko sa kanya. Hinila niya ako at kinulong sa bisig niya. Yumakap naman ako sa kanya at naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko. Napangiti na lang ako sa pagiging malamb

