Nang biglang may lumabas sa bahaging kaliwa ko at nang itinaas niya ang baril niya para barilin kami ay mabilis kong hinila si Franco sa likod ng isang puno ngunit nagkahiwalay kami dahil sa nagulat din siya. naitiwan niya ang kamay ko. Nataranta kaya siya hindi siya agad nakatago. Mabuti na rin lang at hindi ko siya tuluyang nahila dahil paniguradong bumagsak sana ang isa sa amin sa matarik na bangin. Bangin na pala kasi ang likod ng kahoy na iyon. Nagimbal ako nang makita ko ang kababagsakan sana ni Franco o ako. May mga matatalas na bato at mababaw lang ang umaagos na tubig. Kung hindi ako nakahawak at kung nahila ko si Franco at hindi siya nakahawak sa akin o sa puno, paniguradong lasog-lasog na sana ang katawan ng isa sa amin. Sunud-sunod na putok ang pinakawalan nang dumating na mg

