Ang hirap lang ng kalagayan ko lalo pa’t hindi ko alam kung paanong magpakaama sa anak ko sa panahong ganito. Hindi naman kasi ako naging ama. Hindi ko naranasang nakarga siya. Wala ako habang lumalaki siya. Kaya hindi ko siya masisisi kung nagtanim siya noon ng galit ngunit nagpapasalamat ako na bago nangyari ito, naiparamdam sa akin ng anak ko na napapatawad na niya ako. Natawag niya ako ng Daddy ngunit sana hindi na iyon ang huli. Marami pa kaming dapat pagsasamahan. Kahit pa mahirap intindihin ang kalagayan kong bumalik sa pagkabata. Kahit pa pagtataasan kami ng kilay ng mga taong makakakita ay okey lang. Ang mahalaga ay nagkakaintihan kaming pamilya. Ngayon na alam kong nasa bingit ng kamatayan ang anak ko ay nararamdaman ko yung pag-aalala ng husto. Isang pakiramdam na hindi ko nar

