Nang kami na lang ni Dina sa aming bahay at yayakagin ko na sanang matulog kami para sa muling pagkakataon pagkatapos ng labingwalong taon kong paghihintay ay aming pagsasaluhan ang inin-in ng panahon naming pag-iisa ay tumanggi siya. “Siguro naintindihan mong bilang Dina, may mga nagmamahal rin sa akin at may pamilya rin akong nag-aruga at nagpalaki sa akin. Bilang si Dina may naghihintay sa aking pag-uwi.” “Of course, I almost forgot.” Napakamot ako. Nakalimutan ko iyon. Kagaya ko, bilang si Drake, may pamilya rin akong kinagisnan. “What would you like me to do?” “Ano ba ang dapat gagawin ng binata sa isang dalaga? Alam ko, mahaba-habang seremonya muli ang kilalanin ang bago kong pamilya, ang lligawan uli ako sa aming bahay ang pagpapakasal but that makes us legal. You are Drake in a

