Nang imulat ko ang aking mga mata. Nasa hospital na ako at nasa tabi ko si Dina na may benda sa kanyang balikat. Nakangiting nakatingin sa akin. Naroon din ang kanyang mga magulang at ang aming mga anak kung kami ay sina Donna at Frank. “Salamat at nagkamalay ka na!” hinalikan ako ni Dina sa labi. “Salamat sa Diyos at binuhay akong muli,” sagot ko. Tumingin sa akin ang Daddy ni Dina. “Alam mo bang dito sa hospital na ito ipinanganak si Dina?” “Saang hospital ba tayo?” tanong ko. “Sa hospital kung saan kayo noon dinala ni Mommy, Dad…” natigilan si Franco. Pinandillatan namin ng mata ni Donna para matigil ito. Ginugulo pa niya ang sitwasyon eh. “Ano ‘yon? Dinala nino?” tanong ng Daddy ni Dina. Mukhang naguluhan ganoon din ang Mommy ni Dina na nakatingin na kay Franco. “Sorry, ito yu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


