Sinilip ko ang nasa labas. Si Samson. Mukhang siya na mismo ang lumalapit sa kanyang kamatayan. Pagkabukas ko ng pintuan, hinila ko siya papasok, itinutok ko agad ang baril sa kanyang sintido at isinara ko ang pintuan. Nakita kong hawak na niya ang kanyang baril para bunutin at lumaban. “Drake, tama?” kalmado kunyari niyang tanong. Inuutakan niya ako. “Ikaw yung sinasabi ni Mael na…” Bang! Agad kong kinalabit ang gatilyo ng baril kong may silencer na nakatutok sa kanya dahil alam kong tumitiyempo na siya para hudasin ako. Tagos ng bala ang makulit niyang kamay na nakahawak na sa baril niya. Tinamaan pati ang tagiliran niya. Bumagsak ang baril niya sa sahig at mabilis ko iyong sinipa. “Aray! Tang-ina, ansakit!” hindi niya alam kung ano ang kanyang sasapuin, ang isa niyang sugatan

