Handa na ang plano. Dumating na ang araw na pagpapakita ko sa lahat. Alam kong mahirap ang aking gagawin ngunit kailangan. Kahit pa anong pakiusap ko, hindi pumayag si Franco na hindi siya kasama at ng kanyang piling-pili na mga magagaling na assassins. Pumayag ako ngunit ang inilatag ko ang aking plano at dapat ako pa rin ang masusunod. Ako lang muna ang papasok. Ako lang muna ang maniningil ng aking mga pautang. Naroon lang sila backup ko kapag nagkagipitan. Nakasuot ako ng hilig kong suutin kapag meeting namin noon na black leather jacket at puting t-shirt na panloob at nicely fitted pants. Suot ko rin ang marami kong mga singsing at ang patung-patong kong gintong kuwintas. Ganoon na ganoon ang hitsura ko nang pinatay nila ako. Iyon ang huli kong porma ng hinudas ako nang lahat at gust

